23/07/2025
⚓ Kwento ng Isang Kadete na Pangarap Lang Noon ang Maging Opisyal⚓️
Taong 2018, nagsimula ako bilang isang kadete. Ako ang pinakabata sa barko literal na baby boy sa crew. Di ko makakalimutan yung mga unang buwan: pamali-mali satrabaho, laging napapagalitan, at minsan parang gusto ko nalang magtago sa kabina. Si Bosun, si Chiefmate lahat sila may moment na pinagalitan ako. Pero hindi ko sila sinisi. Alam kong kailangan kong matuto.
Habang nasa kubyerta, tumitingala ako sa bridge. Sabi ko sasarili ko, “Balang araw, makakarating din ako d’yan. Magdu-duty rin ako bilang opisyal.” Kahit hindi ko pa alam kung paano, pinangarap ko na.
Marami akong ginawa na hindi naman sakop ng duties and responsibilities ko bilang kadete. Pero gusto ko talagang matuto. Kahit ubos oras, kahit puyat, kahit minsan parang wala nang natitira sa akin tuloy lang. Sa pangalawang kontratako, grabe. Araw-araw akong pinupulutan ng bulyaw. May bosun ako na halos araw-araw akong sinasabihan ng “bobo”at ‘hindi matuto-tuto sa mga trabaho sa kubyerta.’ Di ko nasasabihin kung sino, baka mabasa pa niya ‘to pero shout out sayo Bos! at Salamat dahil pinagalitan mo ako noon. 😂
Dumating sa point na gusto ko na talagang sumuko. Hindi akomakatulog, iniisip ko kung bakit ang bagal ko matuto. Pero may isang bagay akong pinanghawakan: “Slow progress is still progress.” At siyempre, andiyan ang fiancée ko, si Mama at Papa, mga kaibigan, mentor, instructors at si Lord, sila yung lakas ko.
Naging OS-OT(OS Officer Trainee) ako. Akala ko tapos na ang hirap hindi pa pala. Pero mas lumalim ang pasasalamat ko sa mga taong nagtulak at nagturo sa akin, kahit na paraang malabo pa ring maabot yung pangarap ko. Dahil sa kanila, natuto akong tumayo sa sarili kong paa.
Sa pangatlong kontrata ko bilang OS-OT, halos mawalan naako ng pag-asa. Nakikita ko yung mga batchmates ko, opisyalna. Ako, parang stuck pa rin sa pagiging ratings. Pero habangnakabakasyon ako, may nakita akong Bible verse na literal tumatak sa puso at isip ko:
📖 Romans 8:23-24"We ourselves, who have the firstfruits of the Spirit, groan inwardly as we wait eagerly for our adoption, the redemption of our bodies. For in this hope we were saved. But hope that is seen is no hope at all. Who hopes for what they already have?"
Doon ko na-realize: hindi pa tapos ang laban. May pag-asa pa. At dahil sa verse na ‘yon, mas tumibay ang loob ko.
Hanggang sa dumating ang araw—nakaduty ako sa bridge. Opisyal na ako. Third Officer. Yung dating tinitingala ko lang, ngayon parte na ng araw-araw ko.
Pero hindi dito natatapos ang kwento. Tuloy-tuloy lang sa pag-aaral. Sabi nga ng mga nakasama ko sa barko, maparatings man o opisyal: “Continuous learning lang.” Ang goal ko naman ay makaipon at maagang makatigil sa pagbabarko para mas maraming oras kong makakasama ang pamilya kong bubuuin.
Sa mga nangangarap sumampa ng barko at maging opisyal, eto lang masasabi ko: “Huwag na kayong tumuloy sapagbabarko…” de joke lang! 😆Ang totoo niyan, darating din ang panahon na para sa inyo. Hindi man ngayon, pero may araw rin na sisikat para sa inyo. ‘Keep moving forward,’ sabi nga ni Walt Disney.
Hindi madali, pero kung may mga taong nagmamahal sa’yo kagaya ng fiancée ko, pamilya, mga tunay na kaibigan, mga taong nagturo sa akin at si Bossing sa itaas, matutupad at matutupad ang pangarap mo. Magtiwala ka lang, magsumikap, at maghintay ng tamang panahon.
At habang sinusulat ko ‘to, nakaduty ako sa bridge. Open-sea tayo ngayon at walang mga kalaban. Kaya good luck sa mgabashers diyan. 😎
2018 - Deck Cadet
2021 - OS-OT (OS Officer Trainee)
2025(current) - Third Officer