Bakit ba kasi andaming Hadlang sa mundo?! :l

Bakit ba kasi andaming Hadlang sa mundo?! :l OTAKU BASE
ANIME LOVER
WATCH ANIME bakit kasi ang daming hadlang sa mundo ... haha ang page na puro kasiyahan .. minsan emo minsan naman may ma post lang ..

katatawanan minsan may drama pero may bumabanat din . amazing and funny pictures and everything!!! LIKE US GUYS ...

01/09/2020

Shuta ka! Kinabahan ako

Ctto
Bryan Navarro

01/09/2020

Mga debote ng Nazaredhorse 😂😂

Ctto

07/19/2015

TAngiNa naGseseLos ako.. !

admin-bonz

02/03/2014
11/19/2013

accident iho, mag las las kana

11/16/2013

TOUCHING STORY...

Ben payat.

Isang anak nang pagkadalaga,na hindi nakayang alagaan ng ina at itoy pinagkatiwala sa kanyang lola at mga tiyahin,Mula pagkamusmos ay dumanas siya ng maltrato mula sa kanila, kahit na sya ay apo, nasa isip nila na kasalann daw niya kaya di nakapagtapos ng pag-aaral ang ina. Lagi siyang napapalo ng lola nito, konting mali ay may parusa sa batang musmos, kahit mga tiyahin, galit sila sa kanya, ang tanging kakampi nya ay ang lolo nito.Dumating ang pasukan at nagmakaawa siya na pumasok, napilit ng lolo nito ang lola niya na papapasukin siya, ngunit dapat bago pumasok si Ben ay kailangan makaigib at magawa nya ang trabaho sa kusina, dahil sa kagustuhan makapag-aral ginawa ni Ben ang pag igib, paghugas ng pinag kainan, pakainin mga hayop na alaga nila, pasok siya sa paaralan na ang baon ay piso lamang, ang dmit ay nag iisang pares na uniporme at minsan ang tsinelas nito ay magkaiba ang dahon, lahat ay naawa sa kanya kasi alam nila ang buhay niya, naging magkaibigan kami, at dahil mabait siyang bata, lagi namin share sa kanya mga baon na pagkain at makikita talaga ang gutom nito, napakatalino niya, lagi kaming habulan sa bawat exam.Ganuon ang buhay na umimnog kay Ben.Walang pakialam sila lola at tita niya, tanging ang lolo ang laging nagmamahal sa kanya, natutuwa sa mataas na marka ng apo,Dahil sa siwasyon nya sa bahay nila, nabuhos ang isip nya sa pag-aaral, sa school niya kasi nakikita ang pagmamahal ng pamilya na wala sa kanya, ngunit kailan man ay di siya nagtanim ng galit sa lola at mga tiyahin,Dumaan ang pagtatapos ng elementarya at naging salutatorian siya, lalong nakakaiyak kasi wala man lang dumating sa pamilya nito dahil may inasikaso ang lolo niya, ganun paman ay masayang umakyat ng entablado si Ben payat, may ngiti at lahat kami ay nagpalakpakan, lumapit siya sa akin at bumati, sinabi niya na baka di siya makapag high school dahil ayaw ng lola magastos daw kaya papasok siya sa pagawaan ng hallow blocks, nag iyakan kaming dalawa lalo na at ipapadala ako sa UPang para mag aral, linggo magkasama kami pumunta sa gawain sa church(born again)nang kausapin siya ng head pastor na napili siya sa schoolarship ng kongregasyon, ang tuwa sa kanyang mukha, ayaw pumayag ng lola nito, ngunit napilitan din.Umalis ako at tanging text kami nagkaugnayan, pasok sa highschool, pag hapon ay nasa hallowblock si Ben, para ibigay sa lola na gahaman ang kita, 9 ng gabi nagtitinda ng balot para may pera siya pag may project.Wala siyang kapaguran, at lalong naging malapit siya sa Dios.Pag bakasyon umuuwi ako ay di maubos ubos ang kuwento niya.Walang pagbabago sa maltrato ng lola niya sa kanya, at ang ina ay tuluyan na siyang kinalimutan.Nakapagtapos siya ng high school at dahil matataas ang marka, scholar parin siya sa University sa umaga, pag hapon sa hallowblock, at balot sa gabi para pantustos niya sa mga project nya.Halos di na siya nagpapahinga.Mabilis na lumipas ang taon at nakapagtapos siya bilang summa cm laude.At doon ay nakita ng lola niya kung sino na si Ben, naiyak ang lola nito at nagsisi sa mga ginawa niya sa apo.Year 2011 nang umuwi ako. At siya po ang tinanghal bilang panauhing pandangal ng aming paaralan.Lahat ay naiyak habang nagsasalita sa taas ng entablado.Nagpasalamat siya sa lola niya at sa kahirapan na kung saan iyon ang naging lakas niya para iahon ang sarili.Nagpasalamat siya sa simbahan na kung saan sila ang tumugon sa schoolarship niya.Sinabi niya na walang imposible basta may tiwala ka sa Dios at sarili.Lahat ay umiyak, sino nga ba ang magsasabing siya si Ben, ang batang payat, isang uniporme, naglalako ng balot, at gumgawa ng hallowblocks, minamaltrato ng lola, tsinelas ay magkaiba ang dahon dahil sa wala siyang pambili.Ngayon isa nang professor sa U.P.

Lahat kaming kaklase niya ay yakapan ng magkita kita, may mga nahihiya sa kanya pero sabi nya ako parin ito, si Ben payat..Isang batang akala ng marami ay matutulad sa ina,Ngunit lahat ay nagkamali.

Mga anak ofw sana mabasa nyo ito.At makita ninyo ang rason kung bakit mga magulang ay nandito ngayon sa ibang bansa.Salamat po.

Hit like & share this touching story

11/10/2013

KWENTO NG MAGULANG:

Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan… no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na…

“ Magandang hapon po, ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo at pliers diyan?” ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang diperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.

Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating jeepney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.

Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, medyo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.

“ kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “ Jun po”, sagot ko naman. “ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.”

“ naku wag na po, meron po ako may humiram nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko.

“ Si Danny, Engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag asawa ng taga Davao at doon na nanirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko sa aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”.

“ Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?”

“ isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”.

“Hindi po ba kayo nahihirapan?”

“ mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may masakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng Kanor diyan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, Masaya si pareng Kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”.

“ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?”

“ kapitbahay Jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na…. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”

“ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?”

“ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon Jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”.

Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanya…“ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?

“ Nanay ko na lang po, nasa Bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.”


Tatalino "Itanong mo Iho"

10/05/2013

whats up??

03/13/2013

Fun Times!!!!

AMO:juan!!!!!!!!!!

juan: mam Bakit po?

AMO:Bakit Ambilis Maubos ung Totpick Ahh!!! Naka walong Carton na ko ng toothpick ahh!!! Ikaw Ba Ang Umuubos!!!

Juan:ha mam ako hahahaha pag ako gumagamit binabalik ko!! anu bayan mam grabe kau makabintang binabalik ko namn ehh!!!

Sorry bigginner palang!!!

admin ACE!

Address

Queens, NY
5784

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bakit ba kasi andaming Hadlang sa mundo?! :l posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category