09/23/2024
in tagalog we say "mahal kita" but the dying poet inside me says;
sa bawat hibla ng hanging malamig,
ang iyong ngiti, sa isip ko'y nakatanim,
parang alon sa dagat na kay tahimik,
na palaging bumabalik sa baybay ng panimdim.
sa dilim ng gabi, may bituing kumikislap,
nagpapahiwatig ng lihim na hindi mawarat,
ang bawat tunog ng yapak mo’y sapat,
upang ang puso'y tumibok nang walang balatkayong alamat.
sa ilalim ng ulap na naglalambing,
nandoon ang mga matang hindi malimlim,
ang bawat silakbo ng damdamin ko’y mahimbing,
sa'yo umiikot, kahit walang salitang ihahain.
kung pag-ibig man ito’y hindi ko mausal,
ngunit narito, buo’t walang pag-aalangan,
sa bawat patak ng ulan, sa bawat agos ng kanal,
ikaw ang sagot sa tanong kong walang hangganan.