Pamana Kali - Philippine Martial Arts and Culture

Pamana Kali - Philippine Martial Arts and Culture Filipino Martial Arts for Kids and Adults.

08/29/2026
08/28/2026

Know history. Know Self

08/26/2026
08/25/2026
08/25/2026

๐Œ๐ ๐š ๐€๐ ๐ญ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฌ๐จ

Ang panganga*oโ€”๐ฉ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐ค sa Agta Dinapigue at ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ง๐จ๐ฉ sa Agta Casiguranโ€”ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga Agta sa Aurora at Isabela, gayundin sa iba pang bahagi ng Sierra Madre. Tinatahak ng mga manganga*o ang mga kagubatan at kabundukan, kung minsan ay kasama ang kanilang mga a*o, upang maghanap at manghuli ng mga hayop na maaaring maging pagkain o, sa ilang pagkakataon, maging alagang hayop. Tradisyonal na ginagamit sa panganga*o ang ๐›๐ฎ๐ฌ๐จ๐  at ๐ฉ๐š๐ง๐š (bow and arrow), na yari sa mga materyales na lokal na matatagpuan sa kanilang kapaligiran: ๐š๐ง๐š๐ฐ(๐™‡๐™ž๐™ซ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™– sp.) para sa ๐›๐ฎ๐ฌ๐จ๐  (bow); ๐›๐ข๐ ๐ข๐ฐ ๐จ ๐›๐ข๐ ๐จ (๐™ˆ๐™ž๐™จ๐™˜๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™๐™ช๐™จ sp.) para sa bigo (reed shaft); ๐ก๐š๐ค๐ž๐ฌ (Ficus vine) para sa tali ng busog (bowstring); at mga balahibo ng kalaw para sa ๐š๐ฅ๐š๐ (fletching).

Karaniwang itinuturing na gawaing panlalaki ang panganga*o at mahalagang tanda ng kasanayan at kakayahan. Ang pambihirang galing sa panganga*o ay madalas ding ituring na kaakit-akit na katangian sapagkat nagpapakita ito ng kakayahan ng isang lalaki na maglaan ng pagkain para sa kanyang pamilya. Gayunman, hindi lamang kalalakihan ang nakikilahok dito. Ang mga kababaihan ay maaari ring sumama sa panganga*o o maging bihasang manganga*o mismo.

Matapos ang matagumpay na panganga*o, isinasagawa ang ๐ญ๐ฎ๐ค๐ž๐ฅ o ang pamamahagi ng nahuling hayop sa mga miyembro ng komunidad, tumulong man o hindi ang mga ito sa mismong panganga*o. Kabilang sa mga karaniwang hinuhuli ang ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง (wild pig), ๐ฎ๐ ๐ฌ๐š (deer), ๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฒ (monkey), ๐ฌ๐š๐ฐ๐š (python), ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง๐  (civet), at ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ (hornbill).

Higit pa sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain, may mahalagang papel din ang panganga*o sa mahahalagang yugto ng buhay ng mga Agta. Halimbawa, kapag may ikakasal sa komunidad, pananagutan ng pamilya ng lalaki ang panghuhuli ng isang laman (wild pig). Iniaalay ito bilang regalo sa pamilya ng babae at inihahain bilang bahagi ng handa sa kasal. Makikita ang kahalagahang pangkultura ng baboy-ramo sa dami ng mga katawagang ginagamit para tukuyin ang iba't ibang uri o kalagayan nito: ๐›๐ฎ๐ญ๐š๐ค๐š๐ฅ para sa lalaking baboy-ramo, ๐ญ๐š๐ง๐ž๐ para sa babaeng baboy-ramo, ๐›๐š๐ก๐š๐ค para sa biik, at ๐š๐ฅ๐ฅ๐จ๐๐ž๐ง ๐จ ๐ฆ๐š๐›๐ฎ๐ค๐ญ๐ž๐ญ para sa buntis na baboy-ramo.

Mahalaga rin ang mga panaginip, sapagkat pinaniniwalaang maaari itong magbigay ng gabay kung kailan ligtas o mainam na manghuli. Maaari ring lumitaw ang ๐ฌ๐ข๐ง๐ฒ๐š๐ฅ o isang palatandaan, gaya ng pagkakaroon ng malaking bituin sa tabi ng buwan. Itinuturing ang ganitong ๐ฌ๐ข๐ง๐ฒ๐š๐ฅ bilang babala ng nalalapit na panganib at maaaring maging dahilan upang ipagpaliban o tuluyang itigil ng mga manganga*o ang kanilang paglalakbay patungo sa kagubatan.

Ang panganga*o ng mga Agta ay hindi lamang simpleng paraan ng pagkuha ng pagkain. Upang lubos itong maunawaan, kailangang tingnan ang magkakaugnay na sistemang humuhubog dito: ang mga kagamitang ginagamit sa paghuli ng mga hayop; ang mga kaugalian at tradisyong nakapaligid sa panganga*o; ang mga pagkakaibang pangwika sa pagtukoy at pag-unawa sa mga hinuhuling hayop; at ang mga kosmolohikal na penomenang gumagabay sa pagpapasya kung kailan at kung dapat bang ipagpatuloy ang panganga*o.

Sa ganitong pananaw, ang panganga*o ay isang organisadong sistema ng kaalaman at gawaing panlipunan kung saan patuloy na isinasabuhay at naipapasa ang mga kasanayan, ugnayan, pagpapahalaga, at paniniwala ng komunidad. Hindi lamang nito natutugunan ang pangangailangan sa pagkain; pinananatili rin nito ang isang mundong pangkultura na patuloy na binubuo, isinasabuhay, at ipinapasa mula sa isang henerasyon tungo sa susunod.

๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง

Griffin, P. B., & Estioko-Griffin, A. (2012). The centrality of arrow crafting and hunting in the Agta way-of-life. The Cordillera Review: Journal of Philippine Culture and Society, 4(2), 65โ€“89. https://doi.org/10.64743/YZMB5170

-Baler

08/23/2026

Datu Tongcaling, the famous Bagobo chieftain of Mount Apo, is shown with the women and another man in their native apparel. Taken around 1918, this picture is one among many documented photos that highlight his โ€˜rockstarโ€™ popularity. (National Archives and Records Administration)

08/20/2026

He was winning the race. He stopped anyway.

At the 2019 SEA Games, Filipino surfer Roger Casugay was leading his longboard semifinal, a clear path to gold, when his Indonesian rival's leash snapped in dangerous, typhoon-driven waves. He paddled back mid-heat and got the rival safely to shore on his own board. Then he won the rematch, advanced, and took gold in the final anyway. He later became the first Filipino to win the Pierre de Coubertin Fair Play Award.

Where athletes are people.

SOURCE: PHILSTAR, WORLD SURF LEAGUE

Address

4117 Overland Avenue
Culver City, CA
90230

Opening Hours

Monday 6pm - 9pm
Tuesday 9pm - 5pm
Wednesday 6pm - 9pm
Thursday 9pm - 5pm
Friday 9pm - 5pm
Saturday 11am - 2pm

Telephone

(310) 866-7300

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamana Kali - Philippine Martial Arts and Culture posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Pamana Kali - Philippine Martial Arts and Culture:

Shortcuts

Share