04/14/2025
“Akala ko pera ang kulang. Pero ang totoo… ako pala.”
Naranasan ko ng magkaroon ng 7 figures in USD.
Crypto wins. Meme coin pumps. Axie days.
Pero bago yun, naubos muna lahat.
$80,000 na lifesavings ko dito sa California galing sa pagta-trabaho at overtime.
Pati dapat pang-tuition ko, nilagay ko sa sugal.
Axie, sh*tcoins, overtrading, hanggang sa naging -$10K pa ko.
Na-depress ako. Nawalan ng gana mabuhay.
Solo grind. Solo iyak.
Dun ko na-meet asawa ko.
Hindi nya ko hinusgahan kahit baon ako sa utang.
Umuwi ako ng Pinas para mag-recharge,
mag-isip ng tama, at magplano ulit.
Dun ko nakilala mga taong kasama ko ngayon sa grind.
Dun ko natutunan:
🔑 Pinakamalaking investment mo sa buhay ay kung sino ang pipiliin mong maging asawa.
💸 Pera? Tools lang yan.
Oo, nakakatulong. Pero hindi sukatan ng peace of mind.
Hindi ka magiging masaya kung sarili mo, hindi mo na maramdaman.
💬 “Your network is your net worth.”
Pagkatapos ng lahat ng yun
Dun ako nakaipon ng $1M+
4 years na grind, dala lahat ng pagkakamali at aral.
Pero kahit noon, may mga araw pa rin na…
pakiramdam ko, kulang pa rin ako.
Kasi hindi pera ang tunay na freedom kung araw-araw kang drained.
Hindi kalayaan ang net worth kung wasak ka naman sa loob.
Kaya binuhay ko ulit ‘tong Tianpogii
Para sa mga pagod pero lumalaban.
Para sa mga nadurog ng market pero gusto pa ring tumawa.
Para sa mga dating tryhard na gusto lang magpahinga.
Tao tayo. Hindi portfolio.
At hindi net worth ang sukatan ng tunay na saya.
Kung relate ka, tambay ka muna.