07/03/2026
Nagkakaisang Pahayag
7 Marso 2026
EXPEDITE FEE: PATULOY NA TUTULAN AT IBASURA
Mariing tinututulan ng mga manggagawang migranteng Pilipino sa Thailand ang Expedite Fees na idinagdag sa adjustments o pagsasaayos sa consular service fees ng ating embahada na ipinatupad mula 23 Pebrero 2026.
Ano ang Expedite Fee?
Ayon sa Executive Order 906 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010, ang Expedite Fee ay ang halaga na idadagdag sa regular na mga bayarin ng consular services na ginawa lagpas sa office hours at nangagailangan ng paggamit ng teknolohiya para mapabilis ang mga serbisyo.
Noong 2023, pinatupad ang Expedite Fees sa mga consular services pati embassy missions sa labas ng Bangkok, Thailand.
Noong Pebrero 2025, ipinataw ang Expedite Fee na 370 Thb sa mga consular notarial services tulad ng: Acknowledgement, Special Power of Attorney, Authentication, Affidavit, Certification, atbp. Ito ay ipinatong sa regular na bayarin na 925.00 Thb bawat dokumento. Ayon sa mga nagpapagawa ng dokumento noong 2025, “walang ibinibigay na opisyal na resibo ang Expedite Sevice Fee. Ang tanong, “kung walang opisyal na resibo, saan napupunta ang nalikom na expedite fee noong 2025?”
Sa nakaraang Pebrero 23, 2026 ay ipinatupad ang bagong patakaran na nakabatay daw sa adjustment ng exchange rate o halaga ng palitan ng US$ sa Thai baht. Subalit kusang idinagdag ang Expedite Fee na 350 Baht (10 USD) sa mga regular na bayarin ng mga consular services. Kaugnay nito ay ipinako nila ang mga dagdag bayarin sa palitan na 1 US$=35 THB. Ito ay mapanlinlang dahil ang palitan ng dolyar sa baht sa loob ng nakaraang taon ay nasa 30-32 Baht = 1 Dolyar lamang, maliban sa buwan ng Oktubre na umakyat sa 35-37 baht subalit sa loob lamang ng 3 linggo. Mula Nobyembre 2025 hanggang Pebrero 2026 ay nakapako sa 31-32 baht = 1 Dolyar ang halaga ng palitan.
Malinaw na sa paggamit ng mataas na exchange rate ay mas malaki ang kita ng gobyerno mula sa mga pawis at dugo ng mga OFW ng Thailand.
Maliit tingnan ang halagang 350 o 370 Thb na ipinaglalaban ng migrante na expedite fee. Subalit, mahalaga ito para sa mga migrante. Sa populasyon ng migranteng Pinoy sa Thailand na aabot na sa 40,000, sa tantyang 50% ang magpagawa ng papeles sa PEBkk, aabot din sa 7,000,000.00 M Thb o 12.8M Php ang malilikom at kikitain. Saan napupunta ito? Sa korapsyon? Sa mga burkrata-kapitalista’t trapo?
Higit sa lahat, ang tanong ng mga migrante ay, “Ano ang idinagdag na serbisyo o bagong teknolohiya upang makatarungang ipataw ang Expedite Fee?”
Kaya patuloy nating labanan at ibasura ang Expedite Fee dahil ito ay:
1.Hindi makatarungan, hindi demokratiko. Taliwas sa paglilingkod sa interes ng mga migranteng manggagawa. Walang malawak na konsultasyon.
2.Dagdag gastos, panahon at pagod. Pabigat lalo sa mga migrante galing pang Hilaga at Timog Thailand. Ang dagdag gatos ay kabawasan sa remittance.
3.Mapanlinlang. Dahil dati kaya namang gawin sa loob ng isang araw ang processing subalit pinalawig ito sa dalawang araw kung hindi magbabayad ng Expedite Fee.
4.Hindi nakabatay sa totoong adjustment batay sa exchange rate ng Baht sa Dolyar ang pagpako sa 35 baht ang halaga ng palitan sa Dolyar. Ito ay mapanlinlang at nagpapakita na ginawang gatasang-baka lamang ang mga migrante.
Ang mga panawagan ng mga manggagawang Pinoy sa Thailand ay:
!
NA MANGALAMPAG, TUTULAN AT IBASURA ANG EXPEDITE FEE!
!
!
Kung gusto nyong sumali sa petisyon kontra sa Expedite Fee Please click the form.
https://forms.gle/CmguAXr1CHbKuEPh9
Nagkakaisang Pahayag ng:
ACTION-Association of Concerned Filipinos in Thailand
Action Cherngtalay Chapter
Action FilThai PKC
KMPT Bulletin
Phuket Pinay Migrants Association - PPMA
Himigrante TH