Ang tula ng bawat nararamdaman

Ang tula ng bawat nararamdaman ang mga salitang hinde masabi sa tula idadaan��

22/09/2024

hii mylovies I'm back I've been working with a new story about "a girl secretly admiring a boy’s voice" tommorow i will post here stay tuned lovies🥰🥰

-✧・゚: *✧・゚:*rhiley🎀🍥

30/06/2024

ANG LALAKING MINSA'Y AKING PINANGARAP

Nung una kitang makita puso ay na bigla
hindi alam anong kakaibang presensya ang dala
sa una ay hinayaan ko dahil baka dala lang ito ng kaba
pero habang tayo'y magkasama puso ay tumatalon sa saya

Hindi mawari ang dahilan nang nadarama
sa tagal ng pakiramdam na ito ako'y na patulala
ako na ba'y nahuhulog sa kasama kong binata
o isa nanaman kaya itong maling akala

ako'y nagdadalawang isip tunay ba ang nararamdaman
dahil para lamang itong pantasya sa isipan
na pinapalawak ng aking makitid na imahinasyon
ngunit ang puso'y di mapilit na ihinto man
dahil ako'y tuluyan na nahulog sa iyo

Ako ay isang tagahanga mo lamang
walang ibang hiling kundi ikaw ang kapiling
ngunit sa panaginip ko lamang iyon mahihiling
hinde man ako ang yong nais makapiling
narito lamang ako nakasubaybay sa hangin

Ako'y minsan humihiling na sana ako rin ang yong piliin
ngunit namumulat ako sa realidad na hindi ako ang yong nais
hinde ko man masabi sayo ang nararamdaman
dahil walang lakas ng loob sabihin sayo ng harap-harapan

ˏˋ°•*⁀➷🩰🍥rhiley

29/06/2024

Hello mga loviess ko may ginagawa nanaman akong bagong tula and the title was"Ang lalaking minsa'y aking pinangarap" it will be published tommorow , 'I hope you like it💗💗

ˏˋ°•*⁀➷ rhiley🍥🩰✨

28/06/2024

-SA LIKOD NG BAWAT NGITI

Sa bawat ngiti na pinapakita
may pighati na walang ibang nakakakita
merong araw na hindi na kayang itago pa
ngunit pinipilit na hinde ipahalata
dahil takot na baka mahusgahan ng iba

kung minsan gustong sabihin sa iba
ngunit napapaisip makikinig kaya sila
kaya palagi nalang bumabara sa isipan
ang mga hindi masabing salita
kaya idadaan nalang sa paggawa ng tula

ˏˋ°•*⁀➷rhiley🍥🩰🌕

28/06/2024

-NARIYAN KAPABA PAG-IBIG??

Ang yong mga mata kumikislap na tila tala
ang yong mga ngiti nakakabighani bigla
ikaw naba ang bigay sakin ni bathala
o katulad karin ng iba bigla lang mawawala

palaging napapatanong sa isip tunay ba ang pag-ibig
hindi ba ito pantansya na nasasabi ng ating bibig
sa tagal naghintay darating ka pa ba pag-ibig
minsa'y gusto ko rin makaranas pano umibig
ngunit paano nga ba ulit umibig. paano nga ba?

ito ay palaging teyorya na bumabalot sa isipan
Ano kaya ang pakiramdam kapag umiibig sa isang
taong mahal mo nanglubusan? masaya ba ito?
nakakalungkot ba ito? nakakatakot ba ito? daming
tanong na kahit ni isa hindi ko masagot dahil kahit
sa sarili ko hinde ko nadama.

ˏˋ°•*⁀➷rhiley✨🌕💗

28/06/2024

Hi writers of poems I'm rhiley (not my real name) I want to share my poems here ✨💗

Address

Zamboanga City
7000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang tula ng bawat nararamdaman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category