20/11/2025
Hindi mo namamalayan… pero minsan ang “Evil Eye” hindi talaga galing sa malalayong tao. Mas nakakatakot kasi mas madalas itong nanggagaling sa mga taong malapit sa’yo yung mga ngumingiti sa harap mo, pero nagbibilang ng galit sa likod. Yung nagchi-cheer sa’yo, pero sa puso nila, umaasa silang mabagsak ka. Yung nagpapakitang masaya para sa’yo, pero sa gabi, iniisip nila kung bakit ikaw ang binibiyayaan at hindi sila.
’Yan ang mga matang tahimik pero mabigat. Nangungumusta pero puno ng inggit. Nagpapakita ng suporta pero sa totoo lang, binabantayan ang pagdapa mo.
Mag-ingat kung kanino mo ibinabahagi ang mga tagumpay mo, mga plano mo, at saya mo… dahil minsan, ang ngiti ng iba ang mismong ayaw mong makasalubong.
Hindi lahat ng pumapalakpak sa’yo ay tunay na masaya sa mga nararating mo. Ang iba, tahimik lang… pero umaasang maputol ang pag-angat mo. 💯📌