31/08/2020
Nakabata
Hubog ng dalisay, ang sa iyo'y
minamalay
Bayang masigasig, na layo'y hubog
na ibig.
Pakiwari may alanganin, ay sapat
naman kung may adhikain.
At bawat yugto ng tadhana'y, gunita
ng kahapong nagdaan.
Gatas sa mga labi, ay munimuni
ni Inang Baya'ng may pighati.
Sigalot noon at ngayon, na tila
ba'y magpahanggang bukas at kailanman.
Unos at init ng kahapon na kay sakit,
siyang gunita ng pananabik.
Nawa'y masilayan man lang ang Bukang Liwayway
na handog kay Inang nasasabik.
Giting! Tapang! At malasakit sa bayan,
siyang ugat ng madugong kasaysayan.
Dugo at pakikibaka ang siyang sandata,
upang si Bernardo Carpio'y makawala.
Nakamtan man ang maraming paglaya,
ngunit tila ba'y sugat ay lalo lamang lumubha.
Hindi banyaga at lalong hindi bulati ang siyang nagpalala,
kundi itong kalayaang mapagsamantala.
Pag-asa ng bayan ang siyang
lulan ng dahilan,
Ngunit siya rin namang sumisira
sa pag-asa ng bayan.