13/07/2026
A TALE OF TWO SLUMMERS
Kilala si Maricel Soriano sa anti-heroine roles—mga babaeng hindi sumusunod sa traditional values ng lipunan at sa conventional roles ng society. Matapang at subersibo; ambiyoso at mayabang; tuso at magulang. Isang babaeng palaban at gigil sa pagkamit ng mga nais sa buhay—sa pag-ibig man o sa kayamanan—no matter what the cost may be. Ang ganitong iconic role ni Maricel ay makikita sa “Kaya Kong Abutin ang Langit” (Maryo J. de los Reyes, 1984) bilang Clarissa Rosales o Clarisse Gargamonte.
Si Sharon Cuneta, sa kabilang banda, ay sweet at wholesome ang persona sa pelikula. Puso ang nangingibabaw, hindi ang utak. Isang masunuring anak ng magulang at role model ng lipunan. Minamahal at pinapaboran ng karamihan. Subalit bilang Guadalupe Velez o Lupe sa “Pasan Ko ang Daigdig” (Lino Brocka, 1987), hinubad niya ang pagiging glamoroso at lumihis ng daan. Tumawid sa bakod ni Maricel at tinahak ang kanyang daan: ambiyoso at magpupursige sa buhay, ano man ang kahihinatnan nito. Masasaktan na kung masasaktan ang sinumang haharang sa kanyang daan.
Distinct and iconic sa kani-kaniyang filmography ang dalawang nabanggit na pelikula. Both films were a step further into the dramatic forays of both actresses, marking them as leads of their own films. It was a gamble. From romantic teen dramas to gritty adult narratives, it has proven their maturity as actors.
Ang di-malilimutang linya mula sa naturang pelikula ay tumatak sa Pilipinong manonood at naging staple quotable quotes sa Philippine cinema—
Maricel: “Ayoko nang masikip. Ayoko nang walang tubig. Ayoko nang mabaho. Ayoko nang walang pagkain. Ayoko ng putik.”
Sharon: “Gutay-gutay na ang katawan ninyo, Inay. Pati ang kaluluwa n’yo, gutay-gutay na rin.”
With such iconic lines, ang kanilang mga karakter bilang Clarissa at Lupe ay naihanay sa tulad nina Elsa ni Nora Aunor sa “Himala” (Ishmael Bernal, 1982) at Sister Stella L ni Vilma Santos sa “Sister Stella L” (Mike de Leon, 1984).
Nora: “Walang himala. Hindi totoong may himala. Tayo ang gumagawa ng himala. Tayo ang gumagawa ng mga sumpa, ng mga diyos, walang himala.”
Vilma: “Katarungan para kay Ka Dencio!”
Si Maricel ang naging mukha ng kaartehan at ayaw nang madumi, samantalang si Sharon naman ang napalibutan ng dumi na pasan-pasan ang ina.
Incidentally true for Maricel, who, according to her co-stars, ay masyadong malinis sa katawan. Laging may dalang alcohol at facial cleanser, among others. Laging mabango. It must’ve paved the way to her endorsement of Green Cross alcohol and soap later on. “Dapat sa germs, pinapatay,” as she would say in the product’s advertisement.
Pareho din naman si Sharon pagdating sa kalinisan sa katawan at pagiging mabango. But during the shooting of “Pasan Ko ang Daigdig” in Smoky Mountain, walang arte siyang nagpagulong-gulong sa bundok ng basura when director Lino told her to. Na-surprise si Lino sa ginawa ni Sharon dahil inakala niyang mag-iinarte ang isang megastar sa kanyang pelikula.
True to her iconic dialogues, gutay-gutay level din ang katawan at kaluluwa ni Sharon back then. Nakipaghiwalay siya sa asawang si Gabby Concepcion at sinubsob ang sarili sa trabaho upang buhayin ang anak na si KC at patunayan ang sariling kakayahan sa pamilya at sa madla. She was in her thinnest era.
“Kaya Kong Abutin ang Langit” was a box-office success, proving na kaya nang mag-topbill ni Maricel sa sariling pelikula. “Pasan Ko ang Daigdig,” meanwhile, had a mild success, na dahil siguro sa naging fatigue ng audience sa singer-narrative movies ni Sharon. Before this film, Sharon starred in three films where the characters became famous singers. They were hits at the box office, and perhaps the studio thought that “Pasan” would recreate the same glory. However, may pareho mang naratibo, “Pasan” was darker in theme and mood, compared to Sharon’s earlier glossy films. Na hindi kinasanayan ng kanyang audience.
I consider “Pasan Ko ang Daigdig” as a bookend to the “Tala Trilogy” which includes “Bukas Luluhod ang mga Tala” (Emmanuel Borlaza, 1984), “Bituing Walang Ningning” (Emmanuel Borlaza and Leroy Salvador, 1985), and “Sana’y Wala Nang Wakas” (Leroy Salvador, 1986), thus, becoming a quadrilogy. Nagsimula sa batang Rebecca (“Bukas”) na nag-ahon sa kanyang pamilya sa kahirapan sa pamamagitan ng pagkanta at nagtapos kay Lupe (“Pasan”) na na-realize na may hihigit pa sa kasikatan at kayamanan. (I wrote about it extensively here, if you’re interested in reading it: https://www.facebook.com/share/p/1EJCV1eVsH/ )
Ang “Kaya Kong Abutin ang Langit” ang kino-consider ko namang precursor sa “Lupa Trilogy” ni Maricel which includes “Pinulot Ka Lang sa Lupa” (Ishmael Bernal, 1987), “Babaeng Hampaslupa” (Mel Chionglo, 1988), at “Dinampot Ka Lang sa Putik” (Maryo J. de los Reyes, 1991). May common theme silang pag-angat mula sa lupang pinagmulan upang makamit ang tinatamasang langit. Nagmula kay Clarissa na ayaw sa putik at nagtapos kay Malou na hinango mula sa putik. Thus, isa ring quadrilogy. (O di ba, bongga! Imbento ko ‘yang “Lupa Trilogy” kaya ‘wag kayong magulo! One of these days, may isusulat ako tungkol sa kanila. Though I’m disappointed nga na tumigil si Marya sa putik. Napakarami pang uri ng lupa na pwedeng gamitin! Nandyan ang buhangin, luwad, at loam. Charot! For a Maricel character study, I wrote https://www.facebook.com/share/p/1BfHZeSj39/ )
CLARISSA VS. LUPE
Parehong purita daniela at nakatira sa slums sina Clarissa at Lupe. Hindi naman sila magshopetbahay. Ang isa ay naka-live sa lugar na iniigib sa poso ang tubig at ang isa ay katabi ang bundok ng basura (pero di sila nag-abot ni Manny Villar!). Iisa ang kanilang shungarap sa life: maka-fly away sa pusaling kanilang pinaglalagyan. Sabe nga ng paboritong kanta ni Maricel: “One day, I’ll fly away… Leave all this to yesterday…”
Sa katunayan pa nga, puke-puke sila sa pagiging mahirap. (Puke-puke aka sukang-suka, loka! English ‘yan, hindi Tagalog.) Shy-shy sila sa kanilang roots at ang connection nila rito. There is a better place for them. Malayo sa dirt at baktol. Deserve nila ang maginhawang buhay. Malayo sa mga taong squammy at hindi nila ka-level.
Isang gabi, inamin na ni Maricel kay Gina Alajar (sisteret n’ya) ang gusto niyang mangyari sa life. Hindi na niya ma-take ang talakitoks ng sisteret kaya siya naman ang tumalakitok.
Clarissa: “Hindi ako katulad ninyo na kuntento na sa miserableng buhay na 'to. Sawang-sawa na ko sa baho na nakapaligid sa lugar na 'to. Gusto ko nang makawala sa pagbubuhay-daga natin. At walang makakapigil sa akin. Ikaw man o si Inay.”
Christmas Eve no’n, birthday ni Jezuz. Sinadya niya talagang hindi maki-Noche Buena with the family, kasama ang nanay na si Charito Solis, dahil hindi niya bet ang food. Pang-majirap. Charot! But more than that, may iba na siyang tinuturing na pamilya: ang pamilya ng kanyang mayamang (fairy) godmother na si Liza Lorena. Na masarap ang food. Pang-mayaman. Not charot!
Clarissa: “Kaya kung mag-ambisyon man ako, karapatan ko 'yon. At pabayaan ninyo ako. Dahil 'pag nagtagal pa ko rito, gagalisin ako."
Shooketh si Gina. Hindi niya akalaing tagos sa buto ang pagkamuhi ni Maricel sa kanilang estado sa buhay. At wala siyang galis, excuse me!
Si Lupe naman, isang gabi rin, but not the same night, win ng 500 pesoses sa isang singing contest sa barangay. “Araw-araw, Gabi-gabi” ang kinanta niya. Hindi contest piece pero siya ang nag-win. Mahihina siguro ang kalaban. Moira dela Torre songs ang kinanta. Charot!
Lupe: “Sa buong buhay ko, ngayon lang ako kumita pera na hindi nilimos sa ‘kin, na hindi ako lumaboy sa kalye, na hindi ako nagpakapal ng mukha, at hindi nag-amoy basura. At… Hindi ko kinarga si Inay. Ang daigdig.”
Nabuhayan siya ng loob. Nagningning ang mata sa kislap ng pera. Nagliwanag ang pangarap. Nagkaroon nang kumpiyansa na tuparin ang gusto. Taliwas sa kanta, hindi na siya maghihintay araw-araw, gabi-gabi sa ligayang 'di malasap ng sawi niyang buhay. Ilalagay na niya ang tagumpay sa sariling kamay.
Lupe: “Bakit nga ba tayo pinanganak na mahirap? Madalas kong maisip, makakilala lamang ako ng isang lalaking mayaman at ayain niya akong magpakasal, hindi ako magdadalawang-isip…”
Natameme si Tonton Gutierrez sa sinabi ni Sharon. May gusto kasi siya kay Sharon.
Lupe: “Nakakatakot mag-asawa ‘pag mahirap ka. Kahit na kailan ay hindi ako mag-aasawa ng mahirap. Gusto ko lang makaalis dito. Aalis ako rito kahit anong mangyari. Makakawala rin ako sa lugar na ito, makikita mo.”
Shooketh din si Tonton. Hindi pa man siya nakakaporma kay Sharon, basted na kaagad. Mahirap din kasi siya, eh.
TO BE CONTINUED...
If you like this post, please like and share. Follow the page, too! Maraming salamat!
(Feeling vlogger??? Charot! Pero sige na, like, follow, and share n'yo na! Not charot! Walang part 2 'pag di sumunod! Charot!)