27/09/2024
“ BANSA NG MGA MATATALIM ANG DILA KAYSA ISIP ”
Sa isang iskinita ako'y napadaan,
Meron sa akin mga naka ngiti meron din mga kilay ay nag tataasan.
May mga matang animo'y galit sa tuwing ako ay nasisilayan,
May mga kumpulang binabanggit ang iba't ibang pangalan.
Yung asawa ni ganito, ginanito ni ganyan!sabay halakhakan,
Minsan nga ako pa ang bida sa kanilang lihim na kwentuhan.
Mga kwentuhan ng paninira na kanilang pilit iniiba dinadagdagan at binabawasan.
Ganyan ko ilarawan ang kultura ng mga tsimosa sa lansangan.
Hindi pa d'yan natatapos ang aking pag lalakad,
May nakita akong computer shop pumasok ako agad,
Binuksan ko ang aking Facebook account mga posts at agad agad sa akin bumungad ;
*si sansan malaki ilong
*si karina malandi
*kanser yung jamill
*ayoko kay ganito
*ayoko kay ganyan
*ayoko kay ano
Mga pang iinsulto at pang lalait na sagad sa buto,
Sa dami ng nabasa ko napa log out ako agad.
Ang katotohanan sa ikalawang mundo at akin lang inilahad,
Lumabas akong nakasimangot at dismayado,
Pilit inaalis sa isipan ang mga nabasang pang iinsulto at pang lalait ng ibang tao.
Nag patuloy ako sa pag lakad hanggang sa makarating sa may kanto,
May mga taong masayang nag titipon at nanonood na animo ay nasa konsyerto.
“ Umpisa na naman ang laban ni Pacquiao mabuhay ang pambansang kamao ” yan ang sigawan ng mga tao,
Sa kanilang pinapanood ako ay nakisalo.
Pero hindi rin nag tagal tila ba nag iba ang timpla ng mga tao,
Nang ang pambansang kamao ay natalo sa duwelo,
*wala! matanda na si Pacquiao dapat na siyang mag retiro!
*wala kang kwenta Pacquiao tinalo mo pusta ko!
Yan ang katotohanan sa mentalidad ng mga Pilipino,
Bitbit ang mapang lait na katotohanan at karanasan,
Nag hanap ng mapupuntahang kaibigan.
Pero hindi na ako tumuloy ng may marinig akong bulungan sa hindi kalayuan,
Kung ang kanilang usapan ay inuman ako naman ang kanilang pulutan.
Sa aking narinig ako'y napalayo na ng tuluyan,
Nalaman ko ang katotohanang hindi nila masabi ng harapan,
Kaya kayo mag iingat kayo sa mga tinuturing niyong kaibigan.
Hindi porket naka ngiti dapat niyo ng pag katiwalaan.
Akin lang naman inisa isa ang mga ugaling Pilipino
'Di ko sinasabi ito dahil ako ay perpekto,
Sinasabi ko ito upang imulat kayo na karamihan sa atin ay may asal na ganito.
Imbes na mag tulungan
MAG SISIHAN
Imbes na iangat ang iba
MAG HIHILAHAN
Masama man o mabuti ang gawin may masasabi pa rin sila,
Kapag nag tatagumpay ka hindi sila masaya.
Kapag nasa taas ka,hahatakin ka nila.
Sa isang bansang may isang araw at tatlong bituin sa bandila,
Dumadami na ang mga utak talangka!
Talamak na ang pang hihila pababa sa kapwa,
Hindi ka titigilang insultuhin at ipahiya.
PILIPINAS
Bansang lahat na lang sinisilip,
Mga palipad hangin ng mga tsismosang polusyon ang iniihip.
Mga taong punong puno ng imbentong kwento ang pag iisip,
Huwag ka nang mag taka at mapaisip.
Nandito ka sa PILIPINAS ang BANSANG MAS MARAMI ANG MATALIM ANG DILA KASYA MATALIM ANG ISIP.
✍️𝙾𝚒𝚣𝚢𝚜
𝖯𝗌. do not steal or claim this as your work, stealing someone‘s work without their permission