18/11/2017
OVERVIEW on HOW TO BUILD AN INTERNET BUSINESS!
Para sa mga nagtatanong kung ano ba talagang klaseng business o negosyo ang meron tayo dito sa RDE NETWORK at posible rin na pasukin mo dto sa onlie business industry na ito ay bibigyan muna kita ng maiksing overview at ng sa ganun ay mas maintindihan mo kung paano ka magsisimula ng isang successful na online business.
Dito sa ating overview meron tayong 4 basic steps na kelangan para magkaron ng succesful online business na kumikita ng malaking income sa internet. Dito sa ating overview pag-uusapan natin kung ano ba ang mga kelangan bago mag start ng isang internet business.
😁Ang ating OVERVIEW ay umiikot sa apat na steps
1=Master Plan
2=Tools / Equipment
3=Strategy
4=Action
Gawin nalang nating simple, gagamit tayo ng mga examples or analogy para mas madali nating makita at maintindihan at kapag mas simple mas maganda. Dahil sa internet business hindi dapat maging kumplikado, dapat simple lang para madali mong masusundan at magagawa.
So ano ba yun example na gagamitin natin dito sa ating overview? So yung example natin dito ay yun bang parang sa isang bahay, kung pano ba nagpapatayo ng isang bahay. Anu bang kelangan bago ka magpatayo ng isang bahay?
1-Master Plan
So sa ating OVERVIEW basically dapat malinaw sa iyo NO.1 is MASTER PLAN”.
Kung magsisimula ka ng negosyo dapat meron kang plano o yun tinatawag na MASTER PLAN or usually sa isang negosyo tinatawag din itong BUSINESS PLAN. Gayun din naman sa bahay, kapag magtatayo ka ng bahay dapat meron ka din plano o ito yun BLUE PRINT ng gusto mong bahay . Para maging maganda ang kalabasan ng bahay mo dapat meron kang plano, ganun din naman sa negosyo syempre dapat meron kang malinaw na plano o BUSINESS PLAN.
Alam nyo kasi building an internet business is like building a house. Kapag magpapatayo ka ng bahay isa sa mga plano mo ay kung anong type ng bahay ba ang gusto mong gawin.
Sa negosyo naman ay anong type ng negosyo ba ang gusto mong pasukin. Sa ating Business Plan dito ngayon pumapasok yun MISSION/VISION. Ano ba ang MISSION/VISION na gusto mong gawin at makita. Ganun din sa pagpapatayo ng bahay meron kang plano na gustong gawin at makita sa bahay mo.
Yun MISSION mo, ito yun gusto mong gawin sa bahay mo. Gusto mo may 2nd floor, gusto mo may swimming pool, gusto mo ba sa tabing dagat, kasama sa plano kung ilang araw o buwan gagawin ang bahay . Hindi naman pwede na basta ka na lang nagpatayo ng bahay tapos wala kang idea o plano tungkol sa gusto mong bahay.
Kapag nagpatayo ka ng bahay di ba una mong inaalam kung anung klaseng bahay ba ang gusto mo, mansion ba yan?, palasyo ba? modern house ba? san ang location? Ilan lang yan sa mga plano na dapat meron ka pag nagpatayo ka ng bahay. At isa pa diba dapat navi-visualized mo na agad yung kalalabasan ng bahay mo, kung maganda ba yan or kung simple lang.
Ganun din sa Internet business dapat may MISSION/VISION. Dapat maging malinaw sayo kung ano ba ang iyong MISSION/VISION or meron ka bang plano kung anung product ba ang ibebenta mo? or anung services ba ang pwede mong i-offer sa customer?
Sa internet business kasi pwedeng magbenta ka ng product, pwede rin naman meron kang services na ino-offer or any business opportunity na pwede mong mai-offer sa iba.
Kasama sa VISSION mo ay magkano ba ang gusto mong maging income every month? Thousand ba yan? Hundred thousand ba yan? o gusto mong kitain yun first million of pesos mo sa iyong negosyo? At isa pa dapat makita mo rin kung ano ang maitutulong sayo nyan kapag kumikita ka na ng millions of pesos dahil sa business mo.
Madaming negosyo sa internet ang hindi nagtatagumpay dahil walang malinaw na plano sa simula. So Sa ating OVERVIEW ang una natin na kelangan ay dapat meron kang malinaw na PLAN. Dapat din maging malinaw sayo kung ano ba ang MISSION na gusto mong gawin sa business mo at VISION na gusto mong makita in the future.
2-Tools/Equipment
No.2 sa ating OVERVIEW is TOOLS, kapag nagpatayo ka ng bahay syempre kelangan mo ng tools. Kelangan mo ng mga materyales, kagamitan, equipment at lahat ng pwede mong gamitin para mapadali ang pagtatayo ng bahay mo. Yun mga TOOLS na iyan ang gagamitin mo para mabilis itayo ang bahay mo. Kung wala kang TOOLS, imagine gaano kahirap magtayo ng bahay ng mano-mano.Walang pala, walang mixer at walang truck na maghahakot ng materyales, grabe napakahirap nyan.
Ganun din sa ating business kelangan gumamit tayo ng smart TOOLS na gagamitin para makatulong sa ating negosyo. Kelangan mo nang equipment para madali mong ma build ang iyong internet business. Ang mga TOOLS na iyan ang makakatulong sa tagumpay ng negosyo mo. Ito ang magsisilbing kagamitan mo sa pagtatayo mo ng internet business.
3-Strategy
So dito naman sa STRATEGY, halimbawa ay meron ka nang mga TOOLS/EQUIPMENT sa paggawa ng bahay anung strategy naman ang pwede mong gawin? Lets say ikaw ba mismo ang magpupukpok, magpapala, maghalo ng semento, or mag hire ka ng mga tao na pwedeng tumulong sayo para i-build yun iyong plano. Ganun din sa business mo, ano ang strategy na pwede mong gawin.
Remember sa Internet Business napaka halaga ng strategy, kung wala kang strategy sa business mo napakahirap, bakit, kasi parang bara-bara ka lang sa negosyo mo. Wala kang guide o techniques katulad ng mga unsuccessful business na walang magandang strategy. Kaya madaming unsuccessful marketers dahil wala silang strategy.
4-Action
Ngayon kapag alam mo na lahat lets say meron ka ng TOOLS, STRATEGY, MASTER PLAN, ano ang gagawing mong action? Ikaw bay mag re-ready agad para masimulan ang business mo? O sasabihin mo sa sarili na next time na lang o kaya sa ibang araw na lang?
Nasasayo pa rin ang desisyon pero sabi ko nga meron kang apat na steps para mag build ng successful online business kung aalisin mo ang isa hindi ka makakapag build ng successful na internet business. Kung wala kang gagawin na action hindi mo magagawa ang plano mo, hindi mo magagamit ang tools at strategy at higit sa lahat wala kang chance para ma build ang iyong successful internet business.
Ang susunod na ACTION na pwede mong gawin ngayon ay panoorin ang next video dahil sa next video ipapaliwanag ko sayo kung ano ang mga TOOLS at MASTER PLAN na pwede mong gamitin sa pag build ng iyong internet business na pwedeng kumita ng malaki online.
TO BE CONTINUE!