Teatro Binhi

Call Directions Contact the establishment

Teatro Binhi Teatro Binhi 🎭: Uniting DNHS' brightest minds to stage unforgettable theatrical masterpieces.

Maligayang Kaarawan Raychen! πŸ’œ Ang iyong DNHS Teatro Binhi Family ay buong pusong bumabati sa iyo. Nawa’y maging makabul...
22/09/2026

Maligayang Kaarawan Raychen! πŸ’œ

Ang iyong DNHS Teatro Binhi Family ay buong pusong bumabati sa iyo. Nawa’y maging makabuluhan ang panibagong yugto ng iyong buhay at patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at mga pagkakataong magbibigay-daan upang higit mong maabot ang iyong mga pangarap.

Patuloy mong dalhin ang iyong sipag, talento, at pagmamahal sa sining saan ka man dalhin ng iyong mga pangarap.


16/08/2026
Maligayang Kaarawan JELO!πŸ™ŒπŸ»πŸ’šAng iyong DNHS Teatro Binhi ay binabati ka para sa iyong kaarawan! Nawa'y maging mas makabul...
15/08/2026

Maligayang Kaarawan JELO!πŸ™ŒπŸ»πŸ’š

Ang iyong DNHS Teatro Binhi ay binabati ka para sa iyong kaarawan! Nawa'y maging mas makabuluhan ang iyong bawat araw at mas maging maliwanag ang hinaharap na iyong binubuo.
Ang bagong yugto ng iyong buhay ay mapuno ng pag-asa at biyaya. Patuloy kang maging inspirasyon sa mga taong nasa paligid mo. Mahal ka namin JELO!πŸ’šπŸŒ±


🌱 MALIGAYANG IKA-3 TAONG ANIBERSARYO, DNHS TEATRO BINHI! 🎭✨Tatlong taon ng pagpupunyagi, pagkakaibigan, paglikha, at pag...
14/08/2026

🌱 MALIGAYANG IKA-3 TAONG ANIBERSARYO, DNHS TEATRO BINHI! 🎭✨

Tatlong taon ng pagpupunyagi, pagkakaibigan, paglikha, at pagmamahal sa sining...at patuloy na namumukadkad ang Binhi tungo sa mas maliwanag na entablado!

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang...kina Kagawad Joel Acuna , Mam Rhea GMiranda , Tita Anna Sanchez DelaCruz , Angela Bien DelaCruz Ben, Jarod André Castro Duron Hannah Ebreo , at Jhec Bagat kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya. Ang inyong presensiya, suporta, at pagmamahal ang nagbigay ng higit na kulay at saya sa espesyal na araw na ito. ❀️

Maraming salamat Mam Liezl Cabael Alo sa patuloy na paggabay bilang Artistic Consultant, Mam Pamela Mae bilang Adviser at Kina Ate Aira Alo at Kuya Lakan Alo bilang mga dating pangulo na patuloy na nakasubaybay.

Pinuno ng mahusay na mga pagtatanghal, masasayang palaro, tawanan, pagkakaibigan, at masasarap na pagkain ang ating pagdiriwang. Higit sa lahat, ipinakita natin na ang Teatro Binhi ay hindi lamang isang samahan ng mga batang artista...ito ay isang pamilyang sama-samang nangangarap, lumilikha, at naglilingkod.

Maraming, maraming salamat, Dr. Cesar Villareal , sa iyong walang sawang suporta at pagmamahal sa DNHS Teatro Binhi. Ang iyong pagtitiwala ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy naming alagaan ang Binhi at tulungan itong lumago bilang tahanan ng mga kabataang may talento, pangarap, at malasakit sa bayan. 🌱

Sa loob ng tatlong taon, marami na tayong naabot. Ngunit mas marami pang pangarap ang naghihintay na maisakatuparan.

Mula Binhi tungo sa Spotlight...patuloy tayong tutubo, mamumukadkad, at magbibigay-liwanag sa pamamagitan ng sining!

🎭 Maligayang Ika-3 Taong Anibersaryo, DNHS Teatro Binhi!
From Seed to Spotlight: Three Years of Artistic Excellence. 🌱✨

Mabuhay ang Teatro Binhi! Mabuhay ang Kabataang Alagad ng Sining! ❀️🎭

Maraming salamat po...
DSWD Secretary REX Gatchalian
Congressman Kenneth Gatchalian
Vice Mayor Marlon Idol Alejandrino
Councilor Goyong Serrano
Councilor Cris Feliciano-Tan
Councilor Richard Enriquez
Councilor Ghogo Deato Lee
Kagawad Arvin M Encarnacion
Kagawad Dang Masangkay
Kagawad Dannyboy Malit

Maraming salamat po sa paanyaya Youth Alive Veinte Reales Sir King Mendoza kaisa po ninyo kami sa pagpupuri sa Diyos at ...
11/08/2026

Maraming salamat po sa paanyaya Youth Alive Veinte Reales Sir King Mendoza kaisa po ninyo kami sa pagpupuri sa Diyos at pag-akay sa mga kabataan gamit ang sining na kaloob Niya.

🌱🎭 TATLONG TAON NG PAGPAPALAGO, PAGMAMAHAL, AT PAGLILINGKOD 🎭🌱Tatlong taon na ang Binhí...isang munting binhing itinanim...
09/08/2026

🌱🎭 TATLONG TAON NG PAGPAPALAGO, PAGMAMAHAL, AT PAGLILINGKOD 🎭🌱

Tatlong taon na ang BinhΓ­...isang munting binhing itinanim sa puso ng kabataan, inalagaan ng tiyaga, pag-ibig, at paniniwala sa kapangyarihan ng sining.

Ngunit ang isang binhi, kahit gaano kaganda, ay nangangailangan ng patuloy na pagdidilig, pag-aaruga, at pangangalaga upang ito’y lumago at mamunga. πŸ’š

Sa bawat pagtatanghal, palihan, at karanasang pangsining, nawa’y patuloy nating mapalago ang mga kabataang hindi lamang mahusay sa entablado, kundi may pusong nagmamahal at nagmamalasakit sa bayan; kamay na handang maglingkod sa Diyos; at pusong marunong mangalaga sa kalikasan. πŸŒΏπŸ‡΅πŸ‡­πŸ™

Sapagkat ang tunay na bunga ng Teatro Binhi ay hindi lamang mga artista...kundi mga alagad ng sining na may puso, paninindigan, at malasakit.

Maligayang Ika-3 Taong Pagkakatatag, DNHS Teatro Binhi! 🎭🌱✨

Patuloy nating diligan ang binhi. Patuloy nating alagaan ang pangarap. At sama-sama nating hintayin ang pamumukadkad ng isang henerasyong mamumukod-tangi sa sining at paglilingkod.

From Seed to Spotlight: Three Years of Artistic Excellence.
🌱 Tatlong taon. Isang binhi. Maraming pangarap na mamumunga. 🌱

Mabuhay po kayo VACSI Valenzuela Arts and Culture Society Inc. β€οΈπŸŽ‰πŸ”₯
04/08/2026

Mabuhay po kayo VACSI Valenzuela Arts and Culture Society Inc. β€οΈπŸŽ‰πŸ”₯

29/07/2026

Celebrating my 3rd year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

21/07/2026

Maligayang Kaarawan sa isang tunay na inspirasyon at huwaran ng kabutihan!

Kagawad Joel Acuna
Brgy. Pasolo
Lungsod Valenzuela

Sa iyong malaking puso para sa mga kabataan, lalo na sa larangan ng Sining Pantanghalan, patuloy kang nagiging ilaw at pag-asa sa maraming nangangarap. Ang iyong walang sawang suporta sa Tanghalang Banyuhay Inc. Scholarship Program ay hindi lamang nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maipamalas ang kanilang talento, kundi nagbibigay rin ng pag-asa upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.

Dalangin namin na ang lahat ng kabutihang iyong ipinunla ay suklian ng Poong Maykapal nang siksik, liglig, at umaapaw na biyaya para sa iyo at sa iyong buong pamilya. Nawa'y pagkalooban ka pa ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at mas marami pang pagkakataong maging pagpapala sa iba.

Maraming salamat sa iyong malasakit, kabutihan, at paniniwala sa kapangyarihan ng sining bilang instrumento ng paghubog ng kabataan.

Maligayang Kaarawan! Nawa'y maging makabuluhan, masaya, at puno ng pagmamahal ang iyong espesyal na araw. πŸŽ‰πŸŽ‚πŸŽ­

Address

25 G. Lazaro Road
Valenzuela
1440

Telephone

+639055609583

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teatro Binhi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Teatro Binhi:

Shortcuts

Share