03/09/2026
Paggunita kay Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan (Setyembre 3)
MABUTING BALITA
Lucas 5, 1-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Generaset. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.
Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, βPumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.β Sumagot si Simon, βGuro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.β Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kayaβt kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siyaβy nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, βLumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat akoβy makasalanan.β Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli; gayun din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, βHuwag kang matakot. Mula ngayoβy mamamalakaya ka ng mga tao.β Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
==================
Sino ang nais mong ipagdasal ngayon? Isulat ang kanilang pangalan sa comments at i-share sa kanila ang dasal na ito.