KFC Secret Files

  • Home
  • KFC Secret Files

KFC Secret Files this page wants to entertain the people about different real stories

Pm is the key mag message kayo ng Me nang mas marami pa para manotice namin kayo☺️Isesend namin yung link sa mga makakas...
26/04/2020

Pm is the key mag message kayo ng Me nang mas marami pa para manotice namin kayo☺️
Isesend namin yung link sa mga makakasunod ☺️

Pm is the key mag message kayo ng Me nang mas marami pa para manotice namin kayo☺️
26/04/2020

Pm is the key mag message kayo ng Me nang mas marami pa para manotice namin kayo☺️

23/04/2020

"ROOFTOP"

Hi! Itago niyo nako sa pangalang "Peyn" when I was in 3rd year of medicine I met this man, "LUCAS". Habang naglalakad ako sa parking lot papunta sa kotse ko abala sa sangkutakot na papel na hawak ko nabunggo ko siya at hinding+hindi ko makakalimutan kung anong napagusapan namin. "Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo anlaki laki ng daan oh!" He stared at me with wtf face, "Sa tingin mo kung ginawa natin parehas yan mag kakabunggo tayo?" And i was like "Stupid ka pala e nakita mo ng andami kong hawak na papel!! (Anlakas talaga ng boses ko kasi hinihighblood nako sobra na ung pressure sa utak ko dahil nastress nadin ako sa mga binabasa ko alam mo na med student)," at ang hayop ngumisi lang sabay alis. Dun ko napagtanto kung gaano siya kagwapo at napakasolid ng katawan dahil napakasakit ng pagkakabunggo ko sa hayop na yon.

3 araw nakalipas sobra na'kong mababaliw sa pag-aaral kasi kinakabahan na ako kapag napasok ako sa ospital para maging resident student. Umakyat ako sa rooftop ng ospital na katabi ng school ko at dun ako nag-iiyak at halos tumalon ako sa building sa sobrang gulat ng biglang may magsalita sa likod ko. "Tsk, weird iiyak na lang mukang magpapakamatay pa," and i was like "Ikaw na naman!" Sabay ngisi nanaman siya "Kung magpapakamatay ka pwede bang bumaba muna ko? Baka ako pa masisi sa kalokohan mo." Sabay talikod hindi pa man siya nakakalad ng 3 step e humampas na sa kanya ang nagbibigatang bag ko. "Hi di ako naghirap ng ganito para magpakamatay! Get lost!" So moving forward ayoko ng idetalye lahat dahil masyadong mahaba🤣 after a few months hindi ko akalaing doctor pala siya! At halos lahat ay tinitingala siya dahil sa sobrang kagalingan at katalinuhan niya. Ng nagstart ako ng residency siya ang nagtuturo sa karamihan sa amin at sobrang hiyang-hiya ako kung pwede lang kunin ung muka ng mga katabi ko para magtago ako sa tuwing lilingon siya sa gawi ko🤣. And one day he finally get to noticed me, isa ako sa mga hinahangaan ng schoolmates ko dahil sa kakayahan at kagalingan kong humawak ng pasyente and ofcourse bilang doctor napansin niya ko. I've been stalking him for almost 3 mos dahil sa sobrang curious ko na nauwi sa pagkakagusto sa kanya. Pinatawag ako sa office niya to say "You did great this past few months i heard, ikaw pala yan Ms. Rooftop," nagulat ako syempre putsa naalala niya pa yun. "I'm sorry, that night my sister was announced dead, sorry kung yun ang nasabi ko sayo that night. Btw, I want to congratulate you. And I know that you've been stalking me," sabay tayo at unti-unting naglakad papunta sa akin at nahinto ako ng wala na akong maatrasan. " Ano bang ginagawa mo?" And he was like "I like you too. And I want to thank you for being there in the rooftop that night dahil kung hindi dahil sayo baka sumunod na ako sa sister ko."

Simula noon nagsimula na siyang manligaw sa akin hanggang sa naging kami for almost 7 years. We're both doctors already. Masaya kaming namuhay sa nakaraang 7 years na nagsama kami. We're married already btw. Sa mga nagdaang taon wala kaming hindi napagkasunduan lahat ng bagay napagkakasunduan namin parang wala kaming problemang mag-asawa 'pag nag-aaway kami ni hindi man lang marunong magtaas ng boses 'yun. Pero hindi ko akalaing sa huli ay ito ang magiging resulta ng pag sasama namin.

I was busy for almost 2 weeks dahil sa hindi ko mapabayaang pasyente, pumupunta siya sa office ko para maglambing pero hindi ko na siya napagbibigyan sa pangangailangan niya bilang lalaki. Tumagal pa yon at umabot ng 1 month, sobra na akong nalugmok nun dahil namatayan ako ng pasyente at sobra akong napamahal sa batang pasyente ko kaya halos umiyak na lang ako sa opisina at hindi na ako umuuwi. Nang makarecover ako dun ko narealized na parang may mali dahil hindi na din ako binibisita ng asawa ko and that day was our anniversary. Nag ayos ako ng sarili ko balak ko siyang isurprise at nakarecover na ako sa nangyari sa patient ko. Tumawag ako sa bahay ngunit wala siya so nagpunta ko straight to his office pero nakalock and luckily I have his key, pero hindi ko alam na ako pala ang masosorpresa sa nakita ko. I saw him with one of my nurses naghahalikan sila sa mismong opisina niya. Sa gulat ko, nabitawan ko lahat ng hawak ko at nagkadabasag-basag ang plato at wine na hawak ko.

Hindi ko na siya hinayaang magpaliwanag dahil ang nakita ko sapat na para maliwanagan ako. Oo may pagkukulang ako lucas pero hindi ko akalaing ang pagkukulang na 'yun ay hahanapin mo sa iba. Ikaw ang unang taong alam kong makakaintindi sa akin pero bakit ganito? Sobrang sakit. Lumayo ako mag-2 years na akong naglagi sa US with my mom. And im with my baby, oo nabuntis ako ni Lucas. I know all of his sufferings dahil kinikwento ng mga friends ko kung anong nangyayari sa kanya pero hinayaan at binalewala ko.. Months passed nagbakasyon ako sa Pilipinas bumisita ako sa bahay namin ng asawa ko ngunit wala ng tao at halatang napabayaan na.

Pumunta ako sa family house nila and there I saw him nakaupo siya at malayo ang tingin. Naiyak ako dahil anlaki ng pinag-bago niya, namayat siya ngunit andun pa din ang kagwapuhan sa kanyang muka. Lumapit ako sa kanya "Lucas, how are you?" And he looked at me at halos maiyak ako dahil mukhang hindi niya ko makilala. "Have you seen my wife? Where is she? I have to tell her something. I want to apologize to her for what I've done. Please tell me where she is!!" at nabigla ako ng humagulgol siya at ang daming nurses na umalalay sa kanya. Natakpan ko ang bibig ko sa sobrang paghagulgol. Lumuhod ako at may kamay na sumalo sa akin ang tatay niya.. "He suffered through major depression hindi niya kinaya yun at utak na mismo niya ang bumigay, wala siyang ibang bukambibig kung hindi ikaw peyn. Andami niyang pinagdaanan ngunit nagpapasalamat ako dahil hindi siya namatay. I can't afford to lose a child again."

After that hindi na ako umalis sa tabi niya ako ang nag-aalaga sa kanya kahit nasasaktan niya ko ay tiniis ko 'yun. Araw-araw, gabi-gabi punong-puno ako ng pagsisisi at araw-araw akong umiiyak. Sinisisi ko ang sarili ko dahil iniwan ko siya at pinabayaan. Alam kong nasaktan ako ng sobra pero alam kong nasasaktan din siya.

For my love, I:m really sorry kung inabot mo ang ganito ng dahil sa akin. Hindi man lang kita pinagbigyang magpaliwanag at hindi man lang kita napagbigyan na suyuin ako. Im sorry.. pero ngayon hinding-hindi na kita iiwan, ako ang mag-aalaga sa'yo hanggang sa matapos ang buhay ko. Mahal na mahal kita lucas...

Ps: Hindi pa din siya gumagaling 2 taon na ang nakalipas tumatanda na kaming parehas may pagkakataon na naalala niya ko at wala siyang ginawa kundi humingi ng sorry at magpaliwanag paulit-ulit na ganun at pagkatapos at hindi niya na naman ako makilala. Pero kaya ko to at kakayanin ko. Sa baby ko sobrang tuwa ng tatay ni Lucas dahil kamukhang-kamuka ito ni Lucas nung bata pa siya.

To all the readers, I hope this story would make you realize of how precious a person is. Sa mga partner ninyo lahat tayo nagkakamali, give them a chance to speak up and explain their part. Kahit masakit hayaan natin sila magpaliwanag because you both deserve an explanation. Everything takes time, and time takes away everything. Yan ang life quote ko na sana noon pa man naapply ko na sa sarili ko.

Pain
2001
Surgeon
Unknown

Address


Telephone

+639129162901

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KFC Secret Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share