26/08/2026
TATTOO & PIERCING FOR A CAUSE โ PARA KAY MAMA BEVERLY ATRACTIVO โค๏ธ
Sa panahon ng pagsubok, hindi kailangang malaki ang isang tulong upang magkaroon ito ng halaga. Sa simpleng paraan, maaari tayong maging bahagi ng laban ni Mama Beverly Atractivo, na patuloy na sumasailalim sa pagpapagamot para sa kanyang mga bukol na kumalat na sa kanyang buong katawan maging sa kanyang lungs ay may nakita na ang kanyang doctor siya ay nakakaranas ng matinding pain at hirap minsan sa pag hinga siya ay isasailalim sa Radiation at kapag kinaya ng kanyang katawan ay tyaka isasagawa ang Chemo therapy.
Kaya Ngayong darating na September 5 & 6, 2026 magsasagawa tayo ng Tattoo & Piercing for a Cause para kay Mama Beverly.
Layunin nito na makalikum ng pandagdag Pinansyal para sa kanyang pag papagamot ito ay makakatulong para sa mga gastusin sa ospital at mga gamot. at iba pang pangangailangan ni Mama Beverly na makatutulong sa kanyang patuloy na paggaling. ๐
Saan at kailan ito gaganapin? Ang lokasyon po ng ating event ay gaganapin sa:
๐ Tikay Elementary School Covered Court
๐
September 5 & 6 | Saturday & Sunday
โฐ 9:00 AM โ 9:00 PM
Ang halaga ng tattoo at Piercing ay:
โข Tattoo โ Starting at โฑ500
โข Piercing โ Starting at โฑ350
Kung matagal mo nang gustong magpa-tattoo o piercing, maaari mo itong gawing pagkakataon upang makatulong. Sa bawat tattoo at piercing, may ambag para sa patuloy na pagpapagamot ni Mama Beverly.
MAKAKAASA PO KAYOโผ๏ธ
Na ang ating mga Tattoo Artist at Piercer sa event ay may Health Certificate at proper sanitation training/certification, at sumusunod sa mga DOH sanitation standards para sa tattooing at skin piercing.
Safety & Hygiene First
โข Sterile at disposable needles/sharps
โข Proper disinfection at sterilization
โข Proper handling ng tattoo at piercing equipment
โข Malinis at sanitary na working area
โข Proper aftercare instructions para sa bawat client
Your safety is our priority.
Kaya makakaasa po kayo na bawat procedure ay isasagawa nang maingat, malinis, at alinsunod sa proper sanitation practices.
GUSTO MO RING MAG-DONATE?
Kung nais mong magbigay ng karagdagang tulong pinansyal, maaari lamang i-scan ang mga GCash QR codes o bank account details ng kanyang mga anak na makikita sa poster.
Anumang halaga, maliit man o malaki, ay malaking tulong para kay Mama Beverly at sa kanyang pamilya.
Kung hindi man makapag-donate, malaking suporta na rin ang pag-share ng post na ito at pag-alay ng panalangin para sa kanyang patuloy na paggaling. ๐
Lubos po kaming nag papasalamat sa lahat ng susuporta, tutulong, magsha-share, at magiging bahagi ng munting paraan na ito ng pagtulong.
Para kay Mama Beverly. Para sa kanyang patuloy na laban at paggaling. โค๏ธ
ONE TATTOO. ONE HOPE. ONE HEART.