26/07/2024
Boss: Sorry pero hindi na kaya ng kantin na paswelduhan kayong lahat kaya naman napagdesisyonan naming magbabawas muna ng tao.
Izie : Pero boss, paano naman ako kapag natanggal na lang? Alam naman po ninyo ang estado ng buhay namin. Dito nalang po umaasa saakin ng pamilya ko.
Boss : Matumal ang benta ngayon ngunit huwag kang mag-alala.
Saglit siyang tumigil sa pagsasalita at may dinukot sa kanyang cabinet.
Boss: Ito ang huling sahod mo Izie pasensya na talaga. Kahit gustuhin ko pang pagtrabahuin kayong lahat, hindi na talaga kaya.
Izie: Naiintindihan ko po.
Nakauwi ako sa bahay na hindi ko alam ang nararamdaman. Halo-halo ang gumugulo sa isip ko. Iniisip ko kung ano nalang ang masasabi ng aking ina saakin.
Jovie: Inay narito na po si ate. Nasaan po ang paborito kong tinapay na sinabi mo ate na bibilhin mo?
Izie: Sorry bunso nakalimutan kong bumili kanina dahil nagmamadali akong umuwi.
Alam kong hindi mabuting magsinungaling pero sinadya ko talagang hindi bumili dahil hindi na sapat ang pera namin at may mas importante pa na dapat paglaan nito.
Hinanap ng mata ko si mama, tama nga ang hinala ko nasa kusina nanaman at tumutungga ng alak. Hindi ko alam ang nangyayari sa pamilyang to ngunit magmula nang mawala ang tatay namin hindi na rin naging maganda ang buhay namin. Paano kaya kung nandito lang siya, siguro hindi ko na ba pagdadaanan ang buhay na ganito.
Pumasok ako sa aking kwarto, wala akong gana sa lahat hanggang sa makatulog ako at nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
Sa loob ng aking panaginip ay umiiyak ako at nakahawak daw ako ng tali. Inihanda ko na ang tali at parang gagamitin ko ito upang magbigti. Siguro'y pagod na at ang tanging solusyon na lang na naiisip ay ang k**atayan. Handa na akong gawin ang bagay na iyon. Nakalagay na sa leeg ko ang tali, sinipa ko ang upuan na siyang nagpatungan ko kanina. Pinikit ko ang aking mata at unti-unti nang humihigpit ang tali na nasa leeg hanggang sa...
Lalaki: Isiki, Isiki....
Napamulagat ako bigla kahit nahihirapan nakong huminga. May lalaking nakatayo sa harapan ko, matangkad at may matamis na ngiti sa labi at ang tanging bagay na namumutawi sa kanyang bibig ay ISIKI. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil bigla na lamang naging itim ang buong paligid.
Mama: Valeriana!!!! Bumangon kana!
Napabalingkwas ako sa gulat ng taong sumisigaw sa aking harapan.
Valerie: Mama?
Mama: Oh! bakit para ka namang timang diyan? Mukha ba akong hindi ang mama mo.
Bigla ko siyang niyakap at.
Valerie: Mama buhay ako!
Mama: Nanaginip ka nanaman. Sabi kasi sayo magdasal ka muna bago matulog yan ang napapala ng hindi nakikinig. Bumangon kana riyan at 30 mins. na lang pasukan mo na mahal na prinsesa.
May pagkasarkastikong sabi ni mama. Tiningnan ko naman ang selpon ko sa tabi ng aking k**a. Jusko late nanaman ako nito.
Sa loob-loob ko ay naginhawaan ako dahil panaginip lang pala lahat yun.
Dali-dali akong bumangon at gumayak dahil paniguradong pagagalitan nanaman ako ni Mrs. Cruz nito.
Nang makarating ako sa aming paaralan, dahan-dahan akong naglalakad sa likod ng aming silid-aralan para hindi mapansin ni Mrs. Cruz ang aking pagpasok ngunit biglang...
Lalaki: Ma'am may tao po.
Literal na lumaki ang mata ko nang biglang tumingin lahat sila, maging si Mrs. Cruz at alam kong patay ako nito.
Mrs. Cruz: Wala nang bago, palagi ka nalang late Valeriana. Umupo ka na riyan habang hindi pa nauubos ang pasensya ko.
Valerie: Sorry ma'am and thank you po.
Dali-dali akong umupo sa tabi ng lalaking nagsumbong saakin. Tinarayan ko pa ito dahil hindi sana nanaman ako makikita ni ma'am kung hindi niya lang sana ako sinumbong.
Lalaki: Hi
Bati nito saakin ngunit dahil sa sama ng loob ko ay hindi ko siya pinansin.
Lalaki: Hi, anong pangalan mo?
Kulit ng mokong na to kaya naman hinarap ko siya.
Valerie: tsk. Ano? I'm Valerie, may tatanungin ka pa?
Lalaki: Ang sungit naman, sorry na. Ako pala si Isiah Iñigo Karden Izar.
Valerie: Ang haba ng pangalan mo, teka ngayon lang kita nakita rito ah.
Lalaki: You're right, transferee ako at pwede mo naman akong tawaging Isiki kasi yun naman ang nickname ko.
Valerie: Wait, what? Ano ang nickname mo kamo?
Lalaki: Isiki
At sakto pang nakita ko nanaman ang matamis na ngiti kagaya ng nakita ko sa panaginip ko.
Valerie: what the F**k!! (Napasigaw bigla) This can't be true!
Mrs. Cruz: Valeriana Izie Jacinta sa Guidance Office now!!!!!
Dumagundong ang sigaw ni Mrs.Cruz sa loob ng klase dahil napalakas pala ako ng sigaw at narinig ng buong klase. Kasalanan ni Isiki ito huhu..