17/01/2026
Farmer lang kami?🌾
Napapansin niyo rin ba na minsan, kapag tinanong tayo kung anong trabaho natin, parang nahihiya pa tayong sabihin na farmer tayo?
Madalas maririnig natin:
“Farmer lang po…”
Pero isipin nga natin… bakit may ‘lang’? 😊
Kung tutuusin, marangal naman ang farming…
Hindi basta-basta ang pagsasaka.
Hindi ka makapagtanim kung wala kang puhunan katulad ng binhi, similya, abono, pang-spray, at iba pang gamit…
Ibig sabihin, may kapital, tiyaga, sipag, at tapang sa risk ang pagiging farmer...
May iba-iba tayong sitwasyon bilang magsasaka:
🌾 Yung may sariling lupa at siya mismo ang nagtatrabaho sa farm
🌾 Yung hindi sariling lupa ang sinasaka, pero siya pa rin ang gumagastos sa lahat
🌾 At yung may nagpo-provide ng puhunan (kaman pasupsuplay)
Kahit alin ka man diyan…importante may marangal kang hanapbuhay…
Datayo nga farmer, haan tayo koma ibaba ti kita tayo iti bagi tayo...
Kasi ang farming ay hindi lamang para sa ating sarili kundi pati sa ating pamilya, sa komunidad at sa bayan...
Sa bawat binhing itinatanim natin, may kasamang pag-asa🤞🤞
Pag-asang may kakainin bukas, may maihahain sa hapag, at may maibebenta sa trading post o sa NVAT...
Kapag may nagtanong:
👉 Anya ti trabahom? o ano ang trabaho mo???
Sana masanay tayong sumagot nang may ngiti at kumpiyansa sa sarili:
“Farmer ako.”💪💪
“Farming ang trabaho ko.”💪💪
❌Walang “lang”.
Noble ang trabaho natin.
Lahat tayo kumakain ng tatlong beses sa isang araw, minsan may meryenda pa nga😊
Kaya hindi rin tayo naiiba sa iba.👍
Pero ito rin ang ating TANDAAN mga KaKwento at kaFarmer…
May mga panahon na maganda ang kita sa farming...
Kung maganda ang ani at mataas ang presyo ng gulay, puwedeng umabot sa malaking halaga...
Pero may panahon din na mababa ang presyo, lalo na kapag may import kaya mahalaga na matuto tayong mag-ipon kapag may ani...
Hindi man tayo may buwanang sahod tulad ng nasa opisina,..
pero...
ang maganda sa pagiging farmer ay basta may garden ka at masipag ka ay hindi ka basta basta magugutom 🌱🌿
Kaya sana, simula ngayon:
huwag na nating ikahiya ang pagiging farmer...
🌾 Farmer tayo.
🌾 Marangal ang ating trabaho.
🌾 Ipinagmamalaki dapat hindi ikinahihiya.
💚🌱