12/03/2017
“BES"
- By: J.F.P.V.P.
Bes , Kamusta ?
Tagal na nating magkaibigan , kilalang kilala na kita
Kung anong oras ka natutulog sa gabi
Kung anong lasa ng tinitimpla mong kape
Alam ko ang nararamdaman mo kahit wala kang sinasabe
Kaya ko na ngang ikwento ang buhay mo ng buong buo
Kung paano ka nagkamali , kung paano ka natututo
Kung paano ang nawasak mong puso ay unti unti nating binuo
At alam ko din na takot ka sa multo
Naalala mo pa ba ,
Nung naglalakad tayo sa madilim na iskinita
At tinanong kita , May naririnig ka ba ?
Ang sama ng tingin mo saken , parang papatayin ako ng iyong mata .
At nung kinunwento ko sayo nung nanganak yung a*o ko
Tuwang tuwa ka dun sa litrato
Pero nung inalok kita ng isang tuta , ang sabe mo “ayoko”
Hindi ko kayang alagaan ang a*o na ibibigay mo , ang sabe mo.
Nangako sa isat isa na walang iwanan
Sa saya at problema tayo ay magdadamayan
Na walang dulo ang pagkakaibigan natin
Na ang pangarap ng isat isat sabay na ting aabutin.
Basta bes , pag may dinaramdan ka sabihin mo lang sakin
Kung nagugutom ka , sabihin mo lang kung anung gusto mo kainin.
Pero sino ako , Para magsabe na pag may nararamdaman ka sabihin mo lang saken
Kung ako mismo , hindi makapagsabi ng sarili kong damdamin.
Naalala mo pa ba nung naglalakad tayo sa madilim na iskinita
At tinanong kita kung may naririnig ka
Ang tinutukoy ko non ay yung puso kong sumisigaw na Mahal Kita.
Paano Ako aamin sayo ,
Kung yung tuta pa lang na inaalok ko , tinanggihan mo
Paano pa kaya yung pagmamahal ko.
Yung mga pangarap natin na sabay nating pagtiyatiyagaan
Hindi ko masabe na ang pangarap na yon ay ang taong nasa mismo kong harapan.
Ikaw.
Ilang beses ko nang sinubukan sayong sabihin na Gusto kita
Pero ang tanging lumalabas ay , Kumaen ka na ba ?
Gusto ko sanang tanungin kung may pag-asa ba ko ?
Pero ang naitatanong ko lang , Anong ginagawa mo ?
Bes , namimiss ko na yung dating tayo
Namimiss na kita kase pakiramdam ko sobra mo nang layo
Yung dating ikaw at ako na sobrang lapit
Na ngayon ay parang ako nalang ang nakakapit
Nakakapit? Meron nga ba akong kinakapitan?
Meron nga ba kong pinanghahawakan ?
Sa taong ang pagmamahal ko ay hindi kayang suklian.
Dahil ang papel ko lang sa buhay niya ay bilang kaibigan
Na”Bes” ang tawagan.
Kung sa tingin mo ay umiiwas ako sayo
Mali ang iniisip mo
Dahil kahit hindi kita kinakausap
Ikaw pa rin Bes ang aking hinahanap hanap.
Dahil ang pagmamahal ko sayo ay parang kutsilyong matalim
Na bumabaon sa puso ko palalim ng palalim
Pagmamahal na sa puso ko’y matagal nang nakatanim
Pagmamahal na napagdesisiyonan ko nalang na ilihim.