02/10/2017
BAND AID (8/11/17)
Unang naiisip kapag ako'y nasugatan,
Ndi man galing ang hatid tulong mo'y kailangan,
Upang sakit ay panandaliang maibsan,
Band aid takpan ang sugat ng nakaraan.
Ngunit pano tuluyang maghihilom,
Pilat mo'y nghuhumiyaw hanggang ngayon,
Kelangan bang huminto o dumiretso duon,
Baka sakaling my sagot bakit ngkaganun.
Sabi ng ilan mglayag at tingnan ang alon,
Hindi masamang sumunod kaya heto ako ngayon,
Nakatitig sa sayaw nia parito't paruon,
Habang ngtatanong, kelan maaabot ang horizon.
Marami mang tanong pero okay lang un,
Umaasa na masasagot sa tamang panahon,
Sa ngayon ay ngmamasid sa ganda ng alon,
Pati mga isda ay tumatalo't umaayon.
Salamat sayo inang kalikasan,
Tulad ng BAND AID panandaliang naibsan,
Bigat ng dala'y nilipad sa kalangitan,
Ilang oras mula ngayo'y makikiramay ang ulap sa pamamagitan ng ulan.