14/06/2026
Thank you Tarlac Today
Nagbigay-kulay sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ang isang grupo ng mga Tarlaqueñong cosplayers matapos nilang gampanan ang ilan sa mga pinakasikat na Pinoy superheroes sa ginanap na Independence Day Cosplay Parade sa SM Clark noong Hunyo 12.
Ang mga miyembro ng Original Tarlac Cosplayers Unlimited (OTACU) ay nagbihis bilang sina Darna, Victor Magtanggol, Pirena, Super Inday, Komander Bawang, Panday, at Pedro Penduko, na agad humakot ng atensyon at paghanga mula sa mga dumalo.
Sa pamamagitan ng kanilang makukulay na costumes at karakterisasyon, ipinakita nila ang pagmamalaki sa mga bayaning likhang-Pilipino kasabay ng paggunita sa kalayaan ng bansa.
📸 Original Tarlac Cosplayers Unlimited