28/04/2026
Ang gusto kong makita ng mga anak ko, sa amin magsimula,
kung paano magmahal ang mag-asawa.
Kailangan makita nila kung paano ako itrato ng tatay nila,
at kung paano ko rin tratuhin ang tatay nila.
Makita nila ang masayang bahay, hindi yung puno ng sigawan at away.
Yung bahay na may respeto… may lambing… may pag-intindi.
Puno ng pagmamahalan ang nararamdaman araw-araw.
Kasi sa totoo lang,
mga anak ang unang nasasaktan kapag magulo ang magulang.
At sila rin ang nakikinabang kapag maayos ang tahanan.
"kayo ang magdadala ng pamilya niyo balang araw.
Kung paano niyo ako mahalin bilang nanay niyo,
dapat mas mahal niyo pa ang babaeng pipiliin niyo."