22/12/2025
Noong nakaraang Linggo, nagkaroon kami ng pagkakataon na magsagawa ng outreach program sa isang bahay-ampunan. Isa itong masaya at makabuluhang karanasanโnakipaglaro kami, nakisayaw, at nakipagkwentuhan sa mga bata. Ramdam na ramdam ang kanilang kasiyahan, mga ngiting kay daling makahawa.
Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon, naroon ang mga kwentong tunay na nakakaantig ng puso. Mga istoryang nagmulat sa amin sa realidad ng buhayโnakakalungkot isipin na sa murang edad, may mga karanasan silang hindi naman nila deserve pagdaanan.
Ang karanasang ito ay nagsilbing paalala sa amin na mas sikapin pang maging mabuti, mas maging bukas-palad sa pagtulong sa mga nangangailangan, at mas palalimin ang aming pananaligโmas magdasal at mas magtiwala kay Lord.
Hiling namin na mas marami pang mga puso ang maantig upang tumulong at magpadama sa kanila na sa kabila ng lahat, deserve nilang mahalin, pahalagahan, at yakapin ng pag-asa.
โFor I know the plans I have for you,โ declares the Lord,
โplans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.โ
โ Jeremiah 29:11
Naniniwala kami na may dahilan ang Diyos sa lahat ng nangyayari sa ating buhay, at sigurado kaming may magandang plano si Lord para sa ating lahatโlalo na para sa mga batang ito. ๐คโจ
Maraming salamat po sa lahat ng tumulong at mga nagbigay ng donasyon para maging successful ito. Nawa'y patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon. ๐ซถ