07/09/2026
Isang Matagumpay na Barkada Kontra Droga Symposium sa Luyos NHS! 💙🤝
Isang makabuluhan at matagumpay na Barkada Kontra Droga Symposium ang naisagawa sa Luyos National High School, na naglalayong gabayan at palakasin ang kamalayan ng ating mga kabataan tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at sa kahalagahan ng pagpili ng tamang landas tungo sa magandang kinabukasan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa SGC Co-Chair PEMS Mark Christopher G. Aala (Ret.)sa kanyang malaking pagsisikap at dedikasyon upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng isang napakahusay na resource speaker para sa ating mga mag-aaral.
Lubos din ang aming pasasalamat kay PNP Major Aries I. Lazares sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, at mahahalagang mensahe sa ating mga kabataan. Maraming salamat din sa mga kasama niyang mga opisyal ng PNP Tanauan City at PNP Batangas Provincial Office sa kanilang oras, suporta, at pakikiisa sa programang ito.
Naging aktibo, makabuluhan, at buhay ang talakayan dahil sa pakikilahok ng ating mga mag-aaral. Higit sa lahat, nawa’y nag-iwan ito ng malalim na aral at inspirasyon—na ang pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot ay hindi lamang pag-iwas sa kapahamakan, kundi isang mahalagang hakbang upang magkaroon ng mas malinaw na direksyon, mas magandang kinabukasan, at katuparan ng mga pangarap.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sa bawat tamang desisyong kanilang ginagawa ngayon, isang mas maliwanag na kinabukasan ang kanilang binubuo. 🌱✨
Kudos sa LUYOS NHS Barkada Kontra Droga Team and Officers! 👏
Mabuhay ang ating SGC, mga g**o, School Head, at buong school staff na patuloy na nagsisikap para sa kaligtasan, kapakanan, at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na gawaing ito! 💙
Sama-sama tayo sa paghubog ng kabataang may pangarap, paninindigan, at lakas ng loob na piliin ang tama.