15/09/2026
Happy Fiesta, Nuestra Señora de la Soledad!
Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad, buong puso naming inialay ang “Ang Puso Ko’y Nagpupuri”, ang awit ng papuri ni Maria sa Diyos.
Sa kabila ng mga dalamhati at pagsubok na pinagdaanan ni Maria, nanatili siyang may matibay na pananampalataya, buong pagpapasakop, at pusong marunong magpuri sa Diyos.
Sa kanyang kalungkutan at pag-iisa, hindi nawala ang kanyang pagtitiwala. Sa halip, patuloy niyang ipinahayag ang kadakilaan ng Panginoon.
“Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon…”
Nuestra Señora de la Soledad, ipanalangin mo kami.