ACRL - Anyone Can Rap League

ACRL - Anyone Can Rap League Your stage for online rap battles. All skill levels welcome. Just bring the courage and the bars! At ACRL, we believe that Any One Can Rap.
(1)

About ACRL - Any One Can Rap League
Welcome to ACRL - Any One Can Rap League, your premier destination for electrifying online battle rap. Born from a passion for lyrical combat and raw talent, ACRL is more than just a league; it's a vibrant community where the art of rap battling thrives. Based in the Philippines, we proudly host fierce and engaging online battles that showcase the incredible ski

ll and creativity of emcees from across the nation. But our stage knows no borders – we also extend our reach to international battles, bringing diverse voices and styles together in a global lyrical arena. Our mission is to provide a dynamic and accessible platform for aspiring and established battle rappers alike, fostering a space where voices are heard, skills are honed, and legends are made. Join us as we push the boundaries of battle rap, one rhyme at a time.

RESULTA NG LABAN⚡️⚡️⚡️JUDGE: ArgauxSa angles halos pareho lang sila, lumamang lang ng konti si Naz sa kung paano niya na...
19/06/2026

RESULTA NG LABAN⚡️⚡️⚡️

JUDGE: Argaux
Sa angles halos pareho lang sila, lumamang lang ng konti si Naz sa kung paano niya napiga yung angle na yon. Sa rhymings medyo lumalaylay si Kaixer, sayang yung english part ng round nya di nya nabigyan ng magandang suntok. Si Naz naman sa punches mas maraming tumama kay Kaixer, ang problema lang sa kanila is yung delivery, hindi masyadong maramdaman yung diin, solid yon!

JUDGE: KAIZEN
boto ko naz, pareho lang malamya yung performance pero mas lumamang ng kaunti si naz dito, kay kaixer naman malakas yung momentum niya pero pag mag p-punchline na siya nawawala siya sa momentum kase di na masiyado malakas yung dating, so ayon, naz ako rito.

JUDGE: Boss G
"Unahin ko kaixer solid yung mga angles nya dito tsaka pagmock ng battles nya nakaraan lalo na yung ""nemo"" LT HAHAHA kaso yung delivery nya malamya pero naangat pa din ng sulat nya

Naz naman solid din pinakita nya dun, LT din yung pagmock nang tuwing battle sa taas sya tumitingin nagmumukha sya yung babaeng nasapian sa live, solid padin

Boto ko kay Kaixer kasi mas malakas at mas lamang pinakita nya kesa kay Naz

Props kay naz solid pinakita mo pero... Kaixer"

JUDGE: DOSEE
Parehas Silang maganda Yung pinakita pero lumamang si naz sa angle mas nagamit at nabutasan nya ng husto si kaixer tumatama din mga punches si kaixer naman maganda rin Yung sulat nya pero para Sakin Hindi masyado nag landing Yung punch ng maayus pati na off lang ako dun sa nirrhyme yung mura pero all goods naman magandang laban dikdikan talaga mas umangat lang si naz ng konti

JUDGE: Karma
Kaixer kasi mas consistent yung sulat saka yung spit and medyo ok din yung rhyming, malinaw din yung angles nya saka rekta sa kalaban, Si Naz naman Goods sya nung una kaso nawala sa rhythm nung performance nya saka lumamya yung pagka spit nya saka madami ng stutter, kaya Kaixer ako dito

ANG BOTO 3-2 para kay NAZ

18/06/2026

HINGI BATTLE?? PAG PASAHAN MARAMING RASON??

PROPS KAY DOSEE!!! SOLID NA PERFORMANCE KAHIT FONGGER KALABAN

https://youtu.be/p2GEJlt9Qg4

RESULTA NG LABAN ⚡️⚡️⚡️JUDGE: King A"Para sa akin ocir tong laban na to pero dikit lang lang lamang lang talaga sa mga p...
17/06/2026

RESULTA NG LABAN ⚡️⚡️⚡️

JUDGE: King A
"Para sa akin ocir tong laban na to pero dikit lang lang lamang lang talaga sa mga punch at sa mga malalakas na sulat na talagang tatagos kay pexiz naman ok naman sa susunod p**i number ung fan malakas din lalo na sa call out niya ng last

Para sa akin lamang ng onte si ocir sa laban nato"

JUDGE: hexx
"Binigay ko vote ko kay Pexis
binigyan ko sya ng [14.2]
nagustuhan ko yung laro nya sa salita
nag nameflip sya tas tumatama rin mga punches, sakto lang din yung oras pero yung iba nyang punch hindi ganon gaano ka benta para sakin dahil siguro sa timing pero solid round pa rin, si ocir naman binigyan ko ng [9.9] umikot lang sya sa tubig tas pansin ko may mga nauulit na word, oks naman deliver nya kaso kulang sa transition yun lang 𝙘𝙤𝙣𝙜𝙧𝙖𝙩𝙨 𝙥𝙚𝙭𝙞𝙯 at 𝙥𝙧𝙤𝙥𝙨 𝙠𝙖𝙮 𝙤𝙘𝙞𝙧 solid parehas "

JUDGE: NCA
"Lamang ng konti si PEXIZ when it comes to his lines talaga, mas lalo kung inintindi mo sya, pero bad side nya lang is yung projection ng performance nya, kasi yung way nya mag salita is hindi naging convincing (I mean hindi mo naman kailangan mag sigaw, pero kahit mahina boses mo if you know how to sound rhetoric mas convincing sya).
While si OCIR naman counterpart ng performance ni PEXIZ when it comes to performance yung linamang nya, Aggressive, Rhetoric, Energetic, as well, though mas lamang si PEXIZ sa lines (don't get me wrong ayus din naman lines ni OCIR pero lamang ng konti si PEXIZ),na overshadow dahil sa performance ni OCIR.
*Lines- PEXIZ
*Performance, and everything else- OCIR"

JUDGE: C

"Binigay ko kay OCIR

Simple breakdown:
Pekiz:
-DOWN DELIVERY (binabasa nang literal, hindi makitaan ng kahit single rehearsal paano i-spit nang maayos yung linya around 3 mins nung performance niya, yung material niya may approach ng flow, dun namatay yung performance dahil biglang nag descend yung performance dahil hindi natawid nang maayos.

-GOOD TYPICAL BASIC TECHNICAL MATERIAL (A game tunog niyan if nasa pre-pandemic types of battle rap performances palang, maayos yung sequence nung linya hindi naman nag up and down yung mismong materyal talagang hindi naihatid nang maayos. Na-hit yung standard na sulatan as an aspiring emcee, pero hindi para mag-exceed pa ron. Average, hindi sobrang lakas hindi rin sobrang hina; in-between lang)

Ocir:
GOOD DELIVERY (commends para d’yan! Na-ipadama yung punto, cliché lang siguro dahil hindi siya umalis sa anggulo na ‘yon pero gets naman kasi deadround ang video battles. Decent sulat average lang din pero mas lamang si Pekiz kaysa sa sulat ni Ocir, nakuha niya lang kasi na-deliver niya nang maayos at na-ipatama niya dahil sa presence and diin; kaya nagiging clear yung bitaw ng punchline at mabilis ma-determine yung suntok panapos nung linya. Problema lang din sa sulat dahil nag focus sa one angle na namamatay yung scheme - kumbaga nagiging +++ yung bars tas yung next na susunod - na, hindi ascending yung lakas ng linya pero nagiging up and down [lalakas, hihina ; lalakas, hihina].)

Pero overall if titignan lahat ng aspects. Lumamang si OCIR dito at ayan dahilan para sa boto ko.

-C"

JUDGE: HRT
PEXIZ:
Kinulangan ako sa punchline nya pero mga bara nya solid. Pinka solid dun is ""50/50 na si rico malapit ng mag flat line"" angas nun pero bitin talaga. Tapos cadence from top to bottom kase parang naging narrator nalang sya sa huli. Pero siguro kinulang lang sa preparation pero still solid.

OCIR: First Punchline palang direct hit agad dun kay Pexiz sa sinabi nya na ""SAYANG ANG ORAS MAS MARAMI PANG GREATER THINGS AT YUNG LABAN WALANG FLAVORING"" kase yun nga daming time na sayang ni Pixez na hindi na gamit. Tapos ang cadence nya pataas ng pataas medyo na sablay lang dun sa ender nya na punchline about dun sa water boy vs torch boy. Pero ang performance talaga umaapoy."

ANG BOTO 4-1 para kay OCIR

RESULTA NG LABAN⚡️⚡️JUDGE: SpectreNag Improve si KOZANEE sa aggression at delivery, punches at mga attacks nya goods den...
17/06/2026

RESULTA NG LABAN⚡️⚡️

JUDGE: Spectre
Nag Improve si KOZANEE sa aggression at delivery, punches at mga attacks nya goods den at tingin ko eto yung bagay na approach nya for battling and hasain pa. PLIPZYKEN naman, ok den goods yung rhyme scheme dinya lang nasamahan ng magagandang punch so sayang na sayang, yung banat nya ren about dun sa tagay or what sobrang laylay at di nag make sense then sa pa**lo lang sya lumaban ng konti. Clear Win for KOZANEE.

JUDGE: J-RHYME
Binoto ko si PLIPZYKEN kasi mas creative yong Sulat nya at delivery Kay KOZANE naman maganda naman yong lines nya sa delivery lang siya kinakapos at meron akong lines na hindi ko masyadong naintindihan kaya Pinili ko si PLIPZYKEN parehong magaling parehong mahusay Pero PLIPZYKEN parin yow peaceout!

JUDGE: Dr. Grim
"No brainer, One Sided tong laban na to.
Mas Maganda saka malinaw kay Plip to maganda yung mga nasilip nyang anggulo, mas may Direct na landing sa kalaban. Kay Kozane okay sana yung Boses saka Aggression, nasa maling Spot lang sya nag video kaya na sira yung performance nya, siguro isang take nya lang siguro to. Pero kahit siguro malinis yung round ni Kozane mas lamang parin si Plip pag dating sa Punches.
Tyloy tuloy lang.
MVGT PLIPZYKEN
PROPS KOZANE

Sphinx Tokmol"

JUDGE: M4RXISM
"Gahibla lang nilamang ni PlipZyken dito, may mga jokes na pasok sakin allgoods delivery, may mga haymaker din malakas

Para kay Kozane, nalaki yung improvement sa delivery, mga punches rin pasok Malakas pareho pero need pumili so yun lang, LEZZGO!!"

JUDGE: KUYA DAS
Plipzyken ako dito kasi di na sya tumutula hahaha para sa akin consistent ng mga banat niya
Kay kozane naman may improvement din pero Yung stutter nya Yung nakasira so sayang.. parehas malakas pero plipzyken vote ko

ANG BOTO 4-1 para kay PLIPZYKEN

17/06/2026

MGA OG NG MANTRAA!!!

BOSS G VS EXO ZENTT GAMEE??

RESULTA NG LABAN⚡️⚡️⚡️JUDGE: MATEO Para sa akin mas lumamang lng si Mic dito dahil kalahati ng rounds ni Sphinx naka foc...
16/06/2026

RESULTA NG LABAN⚡️⚡️⚡️

JUDGE: MATEO

Para sa akin mas lumamang lng si Mic dito dahil kalahati ng rounds ni Sphinx naka focus kay JJWest. Dami nasayang na oras para kay West eh sayang.

JUDGE: Exø Zentt
"Kay Sphinx
- Yung boses ni Sphinx parang kinakailangan ng aggression kasi parang nagsasalita lang at muntikan na sya magchoke dalawang beses pero nabawi nya yon sa flow tas yung punchlines nya di masyado tama kay Mm pero maayos naman yung setup nya tas maayos ender nya

Kay Mic Marauder naman
- Maayos yung simula nya nagpa-ulan kagad ng palaso, nagjoke sya na baklas at kamukha nya daw si aklas tas di naliligo, paliguan ng dura, mid lang yung aggression nya maayos yung king arthur reference nya anlakas non! Tumatama naman kay Sphinx mga punchlines nya tas yung setup ni Mm is mid sakin nagamit sya ng multi maangas yung ender nya para sakin

Para sa akin tie toh kaso parang mas tumatama yung kay Mic Marauder so Mm tayo dito (di ako bias)"

JUDGE: Triple J
"Spinx:
1st minute nya pinaghambing nya si mic sa ibang persona sa hiphop pero d sya nabenta para sakin kasi masyadong kalat plut after non nagstutter pa sya nabawi nya yon for the short time para sakin pero yon bumaba ulit kasi. After non tinira nya si jj west nasayang ulit yon. Sana nagfocus na lang sya kay Mic, halata din may problema sya sa pagtatagalog kasi sa deliver nya pero pinagbigyan ko na yon. May portion sya ng speedrap bandang 3:30 sana nagfocus sya don para nagkaron sya ng edge.

Mic Marauder:
Sya naman may diin sya tingin ko don sya lumamang.In terms of sulat tingin ko dikit lang sila. Kung si sphinx may shoutouts sya may payat jokes sya pero masyado syang babad don, para sakin sa hit and miss mas marami ung nag miss and medyo dragging pero in terms of angle mas damaging kasi ung kanya tingin ko nagdikit silang dalawa pagdating sa sulat talaga. ps binawas ko rin oras,kase 5 mins na OT pa rin sya.

Overall dikit sya pero ieedge ko kay Mic, since marami syang angle na nabuksan aside sa payat jokes na dragging.

Boto ko Mic Marauder

JUDGE: SAYBU
"MIC MARAUDER VS. SPHINX!
Unang una congrats sa pareho naenjoy ko yung battle niyo , gusto Kong bigyan Ng big props si SPHINX para sa smooth na pagkakalatag Ng pyesa niya oo may tisod sa delivery pero konte lang naman ,PERO All in All malinaw na Kay MIC MARAUDER to Malaki yung inimprove Ng rhyming niya pati na rin kung pano pumili Ng angle at kung saan dapat ilalagay yung punch line more or less 6 yung bumenta saken pero eto lang mas naiwan sa utak ko , yung adik bars , yung jokes niyang Puro kalang amba /
Kaya mong matulog sa iisang tabka/ Basta ganun pati na yung ano ...yung
Parang si king Arthur kase yung ginagamit sa laban hinuhugot sa bato🔥lakas non men .. ayun congrats sa pareho salamat sa magandang laban pero yung boto ko MIC MARAUDER 🔥🔥
* Ay nga pala MIC next time pasuyo nalang wag ka lalagpas sa oras kase kung nagkataong mas malakas yung nasulat ni Sphinx sa sulat niya Ngayon pweding masilip yung time limit at baka maiba yung boto salamat at magandang araw sa lahat "

JUDGE: HRT
"SPHINX: Lines nya naka focus sa Ibang tao. Maganda punchline at Highmakers nya pero ang tanong para kanino ba gawa nya? Wala sa Tama ang call out nya. Lakas ng Ender nya pero ligaw ang bara.

MICRAUDER: Maganda lines nya at direct sa kalaban. Hymakers siguro dun ang ""Ang flow mo na pang Bali ay ako ang tutuwid"" means na rebut nya ang mga bara ni Sphinx na paligaw ligaw. Sayang lang talaga ang ender na kulangan."

ANG BOTO: 5-0 para kay MIC MARAUDER

RESULTA NG LABAN⚡⚡JUDGE:PLIPZYKEN"Kay spectre mabilis may laman din kasi diko ma gets e parang dinadaan nya lang sa bili...
14/06/2026

RESULTA NG LABAN⚡⚡

JUDGE:PLIPZYKEN
"Kay spectre mabilis may laman din kasi diko ma gets e parang dinadaan nya lang sa bilis Yung pang huling rhyme dun nya lang didiinan so yun lang malupit karin kaso mas angat mag opera ng letra si dr""grim yooo warrap sa acrl sa liga natin ahh binigay ko Yung vote ko Kay dr grim kasi kitang kita sa mga operang linya na talagang pulido pag kagawa di kinulang sa timpla lahat tama smooth ng diliver nyaaa

vote Dr grim"

JUDGE:PEXIZ
"Bilang judge, marami kang mapupulot sa ganitong klaseng match-up. Kay Specter, kitang-kita agad ang flow, delivery, at creativity. Pero sa personal kong preference bilang judge at audience, mas nangingibabaw pa rin ang performance ni Dr. Grim. Sa aspeto ng sulat at delivery, mas ramdam ko ang bigat at impact ng kanyang mga binibitawan.
Respeto kay Spectre pero boto ko DR. GRIM.

JUDGE:KAIXER
"ANG HIRAP!! Parehas magaling parehas may bitaw pero lumamang lang saken ng bahagya si SPECTRE sa angles ang creativity pati sa pagtatagpi ng lines.

Buong round ni Spectre naka base sa pangalan ni Dr. Grim which is given na every battle ganon talaga nangyayare pero sobrang effective ng pag kakabreak down niya ng pangalan andami niyang nagamit na references and punches lahat tumatama walang labis walang kulang. Di mo maiinvalidate na 1 angle lang kase andaming branches na nabuo si Spectre pagdating sa pag hihimay nya ng maigi ng pangalan ni Dr. Grim. Yung boses and candence can be improved.

DR. Grim solid den. Pero kapag madami ka talagang napapansin na contraditory na lines lumalaylay yung bara eh. Yung ""Doktor ako ng kamatayan - Agimat"" di siya nag make sense saken. May mga malalakas siya na bara yung example is yung malapit na mag climax na bar lakas non pero meron siyang ginamit yung tanduay - takot sa puday ang ganda ng rhyme pero di ko nakitaan ng sense. Aggression angat sya pati sa imagery pero yung punches nabibitin. May mga lines na binabagayan yung boses nya lalo na yung pag lalatag nya nung ginamit niyang scheme na imagery pero yung ender di bumagay sakaniya yung ""Kahit iba ako ng pinakasalan ikaw tutuluyan ko"" di nasalba ng delivery yung line di bagay talaga. Yung sa mga lines na di nag mamake sense what I mean by that is REACH sya ayon lang opinion ko.

Kuha ni Spectre boto ko. Props kay Dr. Grim!

JUDGE:Mic Marauder
"Kingina dikdikang laban. Ganitong laban ang ayaw na ayaw kong i-judge eh baka mabash hahaha.

Pero sige maglatag tayo nag ating insights and opinion:

Spectre: Punchline Count - 10 Madami din mga haymaker na tumatak sakin. Lamang siya sa written kung titignan on paper. Magaganda rin mga references na napili napasearch pa ako sa iba para maintindihan which is minus sakin kase di lumanding punchline at kasalanan ko yon kase di ko alam ehh hahaha. Pero ganda ng pagkakalatag niya ng bawat lines at set-ups may mga dragging slight pero di ko na yun pinansin. Rate ko is 9/10

Dr. Grim : Bungad palang nanapak na agad at ramdam mo talaga aura nya at presence iba talaga pag batak sa F2F battles makikita mo na sobrang effective ng agression. Nagustuhan ko yung mga jokes at mga paglaro nya sa pangalan ni Spectre. Multi’s, Wordplay at Jokes lamang na lamang, May mga sablay lang na multi akong napansin kung hihimayin mong mabuti, pero di mo agad mapapansin dahil malalakas punchline nya. Kaya para sakin lumalang lang siya sa agression, angles at presensya! Kung sulat babasehan mas nagustuhan ko kay Spectre kaya lamang lang gabutil si Dr. Grim dito. Rate 9.2/10"

JUDGE:Dosee
Sobrang dikit lang para Sakin netong laban parehas Silang aggressive pag dedeliver lamang si Dr grim ng performance pero mas lamang Naman si spectre sa punches maganda pag landing ng suntok pero magandang laban tong dalawa Kaso binase ko sa dami ng punches at ganda ng setup

ANG BOTO: 3-2 PARA KAY DR.GRIM

Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACRL - Anyone Can Rap League posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share