11/05/2019
Masigla ang aming bakuran
Luntian ang mga dahon sa puno at
ang bisig nito'y sukbitan nang duyan,
Pagaspas nang hangin animo'y kundiman at dito mo ako pinahihimbing noon.
Sa ganitong paraan mo ako Hinehele.
Ikaw ang kapiling nang unang beses ko nasilayan ang ere.
At ikaw rin ang nakapitan sa unang beses akong naglakad,
Ngayon,
Na Wala kanaa...
Hindi ako makatayo sa sarili kong mga paa,
Hindi na naging payapa sa bakuran,
Bumigay na rin ang kinakapitan nitong duyan,
Hinahampas pa rin ako nang hangin ngunit haplos mo ang hinahanap nang aking balat,
Ikaw pa rin ang aking kundiman sa tanghaling tapat,
Ang hirap humimbing
Kailan lang sabay natin sinusulyapan Itong mga bituin,
na kasama mo na ngayon.
Isa ka na sa libong kumikinang sa gabi,
Ang hirap tanggapin na wala ka na sa aking tabi,
Pero salamat kasi dito mo sa akin ipinaintindi, Ang buhay nang Tao.
Naglalagas na ang mga dahon,
Kumukupas ang panahon.
Marahil kapag dumating ang maraming araw bumibigay ang kahit anong matayog na puno,
Nananamlay ang matitibay na puso,
At kapag ito ay huminto.
Dito mo mas hahanapin ang pag-ibig nila.
Hanggat may natitirang panahon,
Hanggat meron pang hininga at init sa kanyang balat,
Alayan natin sila nang pagibig na parating sapat,
Bawiin ang mga pag aalagang hindi mapapantayan at parati silang pasasalamatan.
"Maraming salamat aking ina"
!