05/03/2024
HOW TO BE A BETTER PERSON?
1. Follow your happiness —Sa buhay hindi pamantayan ang kahit anong materyal na bagay, hindi din ito makikita sa paiba-ibang relasyon, hindi din ito patungkol sa kung gaano na ba kataas ang trabaho mo pero hindi ka naman talaga masaya. Until you give up on the idea that happiness is somewhere else, it will never be where you are.
2. It’s not always, “Winners never quit” —pag alam mong need mo na mag quit then go for it, palit ng karera sa buhay, umalis sa di masayang kapaligiran na ang dulot lamang sayo stress and anxieties. At kung may mga bagay na hindi na talaga kayang mag work, then let go and move on. Kasi on the other hand, quitting is also for the winners. Pag sagabal na sa mental health, it’s okay to quit ha?
3. If they want to leave, they will leave —kung palagi kang nandyan nakaabang sa susunod na gagawin ng ibang tao sa paligid mo, they will show that they are working, that they care, but try to leave them and you’ll see their true colors. So pag iiwan ka nila, iiwan ka nila. Huwag mo na lang sayangin yung energy mo sa pakikibaka para lang magstay siya o sila sa buhay mo. Let go. Move on. Magkape kinabukasan.
4. Risk is good, risking safely —in order to grow you need to risk. Taya ka. Hindi sa lahat ng panahon naka abang ka lang anong susunod mong gagawin sa buhay. Ang mga taong marunong tumaya sa buhay —pera, karera, love life, business at iba pa ay madalas may mararating kaysa sa mga taong nakatunganga. If you’re always avoiding risk, you’re risking missing out on life.
5. Check the mirror —hindi sa lahat tayo ay tama. Minsan kaya nangyayari sa ating ang mga bagay-bagay ito ay dahil hindi natin inaamin sa sarili natin na nagkakamali tayo, kasi tao tayo. Call yourself out. In order to progress, you need to take care of yourself and one step on doing that is to know your mistakes para di nauulit. Mirror mirror on the wall, wala ka bang pa 1 milyon Lord?
6. Closure is your choice —kagaya sa buhay, LIFE IS A CHOICE. Same lang din sa closure. But if you feel heavy and bursting, then go. Pero not because someone can’t give the closure, you’ll feel not worthy ha? It’s just that hindi lahat need mag explain sa buhay. Kung ayaw mo ibigay, choice mo yon at kung ayaw nila ibigay, choice nila yon. 🙂
7. No man is an island —you cannot be alone all the time. We need to grow kuys, we need someone to lean on. Need mo ng shoulders ko. Joke. I mean, kung may times na masaya ka mag-isa, alam mo mas masaya pag may nakahanap kang isa pa na magbibigay kayo nang kasiyahan. But you can’t give what you don’t have ika nga, so love yourself first para pag healthy yung mindset mo mas mabilis ka makahanap ng someone to accompany you.
8. Don’t carry the burden fixing other people —Okay ang tumulong para mapabuti ang ibang tao. Pero kung hindi mangyari yon, don’t feel bad about yourself. Give your best lang pag hindi nag-work edi hindi. Hindi ka pinanganak maging glue para ayusin ang napunit na papel o pako para buohin ang kahoy [not sure kung tama] but yah. That’s it.
9. Always be the bigger person —inhale exhale. Don’t stress yourself. I love you! You know the drill!
[Words: Dingdong Bahan]
Just my random thoughts again.