Cristina Diane

Cristina Diane For business and endorsement
📩 [email protected]
(1)

 Park, Taguig City 💛
23/12/2025

Park, Taguig City 💛

20/12/2025

Hello 👋🏻

20/12/2025

Good Morning 🌞

14/12/2025
LOOK: THE GUARDIANS OF LUZON — THE MOUNTAINS THAT STAND BETWEEN US AND THE STORMTuwing rumaragasa ang malalakas na bagyo...
10/11/2025

LOOK: THE GUARDIANS OF LUZON — THE MOUNTAINS THAT STAND BETWEEN US AND THE STORM

Tuwing rumaragasa ang malalakas na bagyo, tatlong higante ang tahimik na humaharang sa galit ng kalikasan — ang Sierra Madre, Caraballo Range, at Cordilleras. Sila ang mga tunay na tagapagtanggol ng Luzon.

🌳 SIERRA MADRE — The Storm Shield
Ang pinakamahabang kabundukan sa bansa. Ito ang unang sumasalubong sa bawat bagyo—binabawasan ang lakas ng hangin at ulan bago pa man maramdaman sa kapatagan.

⛰️ CORDILLERAS — The Tallest Guardian
Matayog at matatag, ito ang gulugod ng Luzon. Ang lakas nito ay sumasalamin sa katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng unos.

🌲 CARABALLO RANGE — The Silent Connector
Matatagpuan sa Nueva Vizcaya, ito ang tulay na nag-uugnay sa Sierra Madre at Cordillera—pinagsasama ang kanilang tibay at proteksyon.

Noong nanalasa ang , ang mga bundok na ito ang unang lumaban. Pinahina nila ang lakas ng hangin, piniga ang mga ulap, at inabsorb ang bagsik ng ulan—para iligtas tayo sa mas matinding pinsala.

Hindi lang sila mga bundok — sila ang ating stormbreakers, heroes, at protectors.
Ngayon, tayo naman ang dapat lumaban para sa kanila — ipagtanggol natin ang Sierra Madre at ang mga kabundukan ng Luzon.







Credits to: Turismo Central Luzon

Thank you Sierra Madre Hindi mo ulit kami binigo mga taga Luzon🥰🌪️ MATA NG SUPER BAGYONG ‘UWAN’, BINASAG NG SIERRA MADRE...
10/11/2025

Thank you Sierra Madre
Hindi mo ulit kami binigo mga taga Luzon🥰
🌪️ MATA NG SUPER BAGYONG ‘UWAN’, BINASAG NG SIERRA MADRE 🙏

DINALUNGAN, AURORA — Tila nabasag ang malaking mata ng Super Typhoon Uwan matapos itong tumama sa kabundukan ng Sierra Madre.

Ayon sa mga eksperto sa panahon, ang pagkabasag ng “mata” ng bagyo ay indikasyon na nawawala na ang maayos na sirkulasyon at humihina ang lakas nito habang tinatawid ang mga bulubundukin ng Luzon.

🌀 Ano ang ibig sabihin kapag nasira ang mata ng bagyo?

Ang mata ng bagyo ang pinakatahimik na bahagi nito, ngunit ito rin ang sentro ng malakas na pwersa sa paligid. Napapalibutan ito ng tinatawag na eye wall, kung saan umiikot ang pinakamalakas na hangin at ulan.

Kapag tumama ang bagyo sa kabundukan tulad ng Sierra Madre, naaabala ang sirkulasyon ng hangin. Dahil dito, unti-unting nawawasak ang eye wall at nabubura ang kalmadong gitna—kaya sinasabing “nabasag” ang mata ng bagyo.

⛰️ Sierra Madre, ang “Pambansang Harang”

Muli na namang pinatunayan ng Sierra Madre ang malaking papel nito bilang natural na depensa ng Luzon laban sa mga malalakas na bagyo. Sa tuwing tumatama rito ang bagyo, malaking bahagi ng enerhiya nito ang nawawala dahil sa friction ng hangin at sa pagkawala ng mainit na singaw mula sa dagat, na nagsisilbing “gasolina” ng bagyo.

Pagkatapos tawirin ang Sierra Madre, inaasahang hihina pa si Uwan habang dinadaanan ang Caraballo at Cordillera mountain ranges, kung saan lalo nitong mawawala ang lakas at pwersa.

💧 Pero mag-ingat pa rin!

Babala ng mga eksperto, bagaman humihina ang hangin, mananatili ang banta ng matinding pag-ulan, na maaaring magdulot ng flash floods, landslide, at pagbaha sa mababang lugar.

🌊 Posibleng lumakas muli

Kapag nakalabas si Uwan patungong West Philippine Sea, may posibilidad na muling mabuo ang kanyang mata at lumakas dahil makakakuha ito muli ng init at moisture mula sa dagat.

⚠️ Paalala

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng PAGASA, LGUs, at NDRRMC.
Manatiling ligtas, huwag nang maghintay ng “signal number” bago lumikas kung may panganib sa inyong lugar.

“Ang Sierra Madre ang unang tumatanggap ng hagupit, para tayong mga Pilipino ay makaiwas sa mas matinding pinsala.” 🙏 ‎

CTTO.

09/11/2025

BAGYONG UWAN UPDATE!
Thank you Sierra Madre for always protecting us! 🙏🏻😇

09/11/2025

BAGYONG UWAN! BE SAFE EVERYONE!

08/11/2025

Maging handa at maging alerto! be safe everyone! 🙏🏻

Address

Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cristina Diane posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Cristina Diane:

Shortcuts

Share