12/07/2021
KABANATA 1
"Darryl, itapon mo nga itong mga pinaghugasan
namin ng paa."
Tatlong mga babae ang makikitang
nakaupo sa isang sofa, katatapos lang
nilang ibabad at hugasan ang kanilang
mga paa. Nagpapakita ng kaakit akit na
ganda at class ang mga ito sa sinumang
titingin sa kanila mula sa malayo,
mayroon din silang kanya kanyang mga
asset. Isa sa mga ito ang asawa ni Darryl
habang ang dalawa ay ang dalawang
pinakamatatalik niyang mga kaibigan.
Matapos marinig ang utos ng kanyang asawa,
masunuring itinapon ni Darryl
ang maruming tubig mula sa tatlong mga
pinagbabarang batsa. Hindi na siya
nakagawa nakahit na anong imik dahil
isa siyang manugang na nakikitira sa
pamilya ng kaniyang asawa. Kahit tatlong
taon na ang lumipas mula noong ikasal
sila ng kanyang asawa, hindi na siya nagkaroon
ng lugar sa pamilya ng
kaniyang napapangasawa. Madalas siyang
sinisermonan ng kaniyang asawa at ng
kanyang biyenan sa tuwing nakakagawa
siya ng kahit kaunting mali na makita ng
mga ito sa kanyang mga ginagawa. Mas
nagawa pang irespeto ng mga ito ang kanilang
a*o kaysa kanya.
Tatlong taon nang kasal sina darryl at
Lily Lyndon, pero mukhang sa pangalan
lang ito makikita dahil hindi pa kailanman
nila nasusulit ang kanilang pagsasama. Ni
hindi manlang niya mahawakan ang kamay
ng kaniyang asawa! Sa sahig lang din
natutulog si darryl dahil sa tindi ng inis sa
kanya ng asawa niyang si Lily.
Paglalaba, pagluluto, paglilinis ng mag kwarto,
ang lahat
ng gawaing bahay ay nakatoka kay darryl araw
araw. Isang araw, kalahating oras siyang sinermonan
ng asawa niyang si lily matapos aksidenteng
makabasag ng isang mangkok habang nagluluto.
Nagkaroon rin ng isang pangyayari kung saan hindi
sinasadyang magising ni Darryl ang kaniyang asawa
habang papunta sa banyo. Agad siya nitong
sinampal nang malakas ng walang pagaanlinlangan.
Ito ang unang beses na sinaktan si Darryl ng kanyang asawa. Hindi siya nagawang pagbuhatan ng kamay maging ng kanyang mga magulang noong siya ay bata pa! Kaya natural lang na magalit siya rito pero kinakailangan niya itong pigilan at sarilinin. Ang tanging magagawa niya lang ay ang magmakaawa at humingi ng tawad kay lily. Pero sa huli, nagawa parin siyang nitong paluhurin magdamag.
Tatlong taon na ang nakalipas kaya sanay na si darryl sa ganitong buhay. Wala na siyang maisisi kundi ang kaniyang sarili sa pagiging manugang sa pamilyang ito hindi ba? Ang masaklap pa rito ay matinding pagmamahal na nararamdaman parin ni darryl sa knyang asawang si lily kahit na araw araw siya nitong kinamumuhian at itinuring na basura!
Pangalawang anak si darryl sa angkan ng DARBY, kilala sila bilang pinakamalaking angkan sa buong Jiangnan region. Tatlong taon na rin ang nakalipas mula noong gumastos siya ng walong milyon para bilhin ang 8% ng kumpanya southeast petroleum.
Daan daang miyembro ng kanilang angkan ang nagalit sa ginawa ni darryl noong mga panahong iyon. Tinawag naman siyang hibang ng iba niyang mga kaangkan, habang inisip namn ng iba solohin ni darryl ang kayamanan ng kanilang angkan sa ginawa niyang ito. Kaya nagkasundo at nagpasya ang buong angkan ni darryl, kasama ang kanyang sariling mga magulang, na itakwil siya at burahin sa kasaysayan ng kanilang angkan!
Naramdaman ni darryl ang mabilis na pagiging negatibo ng mga relasyon sa loob ng tatlong taon niyang karanasan kasama ang kaniyang asawa. Mabilis ring humahanap ng dahilan ang kanyang mga dating matatalik na kaibigan upang layuan siya. Kaya wala na siyang nagawa kundi tumira sa pamilya ng kanyang asawa para mabuhay. Hindi niya nasabi ang pangyayaring ito sa kahit kanino maging sa asawa niyang si lily.
“Ohh lily, mukhang naturuan mo nga nang husto ang asawa mong iyan.” Sabi ni JADE na isa sa mga best friend ni lily.
Nanlalamig namang tumawa si lily at sinabing
“Si darryl ba ang tinutukoy mo? Nag iinit na ang ulo ko sa tuwing nakikita ko ang basurang iyan. Habang ang ibang babae ay nagpapakasal sa mga lalaking nagmula sa mga kilalang pamilya. Nataki naman ako sa basurang iyan. Tingnan mo, ang dungis dungis niya. Mukha na siyang mahirap na trabahador sa probinsya. Siguradong kahihiyan lang ang dadalhin niya sa annual reunion ng aming angkan bukas.” Hindi maiwasang mapatingin ni jade kay darryl. Walang duda na mumurahin nga ang brand nasuot na damit ni darryl at nagmuka na rin itong madungis. Tumatawang sinabi nito na “Sige na lily, tama na ang tungkol sa kaniya. Pero seryoso, totoo ba ang narinig kong may problema raw ang kumpanya niyo nitong nakaraan?”
Dahan dahan namang tumungo si lily at sinabing
“Milyon milyon ang nawala sa amin noong simulan naming pasukin fashion industry last month. Kaya kinakapos na ngayon ang aming kumpanya, kailangan na naming makahanap ng investor ngayong linggo para makakuha ng five million dollars para maibangon ang kumpanya.”
“Ohh lily, sino namang investor ang magbibigay ng five million sa loob lang ng isang linggo para pondohan kayo?”
Buntong hininga ni jade.
Hindi na sumagot pa rito si lily, agad niyang napansin na nakikinig si darryl sa kanilang usapan dahil tapos na nito ang kanyang ipinapagawa. Nagbigay siya ng matalim na tingin dito at walang awang sinabi na
“Sinong nagsabi sa iyo na pwede kang magstay dito, darryl? Umalis ka na at maglaba ng mga damit ko.”
“Labhan mo na rin ang mga jeans ko sa maleta.”
Dagdag ni jade.
Hindi na nagawa pang magreklamo ni darryl at agad na inilagay ang damit ng mga ito sa washing machine kasama ng sarili niyang mga damit. Bukas na ang kanilang high school reunion kaya kailangan niyang magmukhang presentable kahit papaano. Naputol ang kaniyang pagiisip nang biglang magvibrate ang kaniyang cellphone. Chineck niya ito at nakita ang isang text message mula sa isang numero na mayroong anim na digits sa dulo. Agad na napa kunot ang kanyang mga kilay nang makita ang numerong ito
“Hindi bat ito ang numero ng aking angkan?”
Isip niya.
Nagtatakang binuksan ni darryl ang text message at nagulat nang mabasa ito.
“O aming ikalawang young master, tulungan mo ang ating angkan. Nangangailangan ang ating angkan ng malaking pondo kaya kakailanganin namin ang suportang magmumula sa iyo!”
“Sinong niloko nito!”
Kumunot muli ang mga kilay ni darryl habang nagiisip nang magisa.
“Tatlong taon na ang nakalipas mula noong itakwil ako ng buong angkan kaya wala nang kahit na anong kapangyarihan ang aking pangalan. BEnte na lang din ang natitira sa aking bulsa, kaya bakit sila hihingi ng tulong pinansyal sa akin? Ano pa bang mahihita nila sa akin ngayon?”
Muling napatingin si darryl nang magvibrate sa ikalawang beses ang kanyang cellphone. Nakatanggap muli ito ng isa pang mensahe.
“Pakiusap young master, nagmamakaawa ako na tulungan mo ang pinagmulan mong angkan. Lumaki na nang husto ang kita ng shares na iyong binili tatlong taon na ang nakalilipas. Kaya pakiusap
… siguradong babagsak ang ating angkan kung hindi mo kami matutulungan…”
“ANO?”
Napaatras si darryl matapos basahin ang ikalawang text message. Agad niyang kinuha ang kanyang black card mula sa amethyst bank sa loob ng isang iglap. Tatlong taon na rin nyang hindi nagagamit ang card na ito. Isa itong status symbol sa sumisimbolo sa mga mayayaman dahil ang bawat isang card ay mayroong isang customer service representative na nakahandang tumutulong sa mayari nito sa anumang oras. Agad niyang idinial ang customer service hotline ng bangko.
“ Maligayang pagbabalik Mr.Darby ano po ang maipaglilingkod namin sa iyo?” sagot ng isang sweet na boses ng babae.
“ Ipakita mo sa akin ang balance ng aking account.
Dali”
“ Wala pong problema sir, sandali lang po,”
Sagot ng babae.
Matapos nagsalita ang babae.
“ Mr. Darby, lumampas na po sa checking limit ng bangko ang kabuohang account balance ng iyong account. Kaya maari po kayong pumunta sa VIP section ng aming banko dala ang mga kinakailangan naming valid ID at iba pang dokumento para matulungan kayo sa inyong request.”
Hindi pa natatapos ang babae sa kaniyang pagsasalita nang agad na ibaba ni darryl ang tawag.
“ Sobrang laki na ng pera sa bank account ko!?” tawa ni darryl habang tuwang tuwa nagiisip sa kaniyang sarili. Sino ba namang makapagsasabi na ang napakalaking investment na kaniyang ginawa tatlong taon na ang nakalilipas , na siya ring nagiging dahilan ng pagtakwil sa kanya ng kanyang pamilya ay lalago nang ganito!
“ Lily, tingnan mo si darryl, tuwang tuwa niyang tinitingnan ang balance ng kanyang bank account sa kanyang cellphone.”
Hindi mapigilan matawa rito ni jade.
Natawa rin dito si lily
“ Binibigyan ko siya ng 200 na allowance kada araw. nitong nakaraang tatlong taon.”
“Ohh lily, isipin mo na para ka lang nagaalaga ng isang a*o.”
Sabi ni jade na nakapagpatawa sa kanilang tatlo.
Excited na tumakbo si darryl papunta sa kanyang asawa at sinabing “ Kailangan ng kumpanya niyo ng 5 million dollars hindi ba? Paano kung sabihin ko sa iyong nakahanap na ako ng paraan para matulungan ka sa inyong problema?”
Malakas at tila walang hanggan naman ang naging pagtawa rito ni jade. Sandali niyang tiningnan ni darryl at sinabing “ Darryl, naiintindihan mo ba kung gaano kalaki ang 5 million?
200 lang ang ibinibigay sa iyo ni lily araw araw. Pero kung magagawa mo talagang maglabas ng limang million mukhang kailangan na kitang tawagin na daddy,”
“ Talaga lang ha?” Ngisi ni darryl na parang isang tuso.
“ Kung ganoon, tandaan mo ang mga sinabi mong iyan.”
Hindi na siya magawa pang pagpasensyahan ni lily. Mukhang nawala na sa tamang katinuan si darryl matapos tumayo sa kanilang harapan na parang isang katulong at guluhin si lily. Kaya naiinis niyang itinaas ang kaniyang kamay at sinabing
“Umalis ka na, sumasakit na ang mga mata namin sa iyo.”
“Oh, sige.” Sabi ni darryl at tahimik na umalis sa harapan ng mga ito.
Hindi na nagawa pang makatulog ni darryl kinagabihan sa sobrang pagkasabik. Hindi siya makapaniwala sa hindi inaasahang balita na kaniyang natanggap kanina. Gustong gusto na niya magpunta sa bangko upang tingnan nang personal ang perang nilalaman ng kaniyang bank account.
Napaikot ikot sa kanyang higaan si darryl bago makatulog nang bahagya. Pero nang papalalim na ang kanyang tulog, agad na maririnig sa buong sala ang boses ng kanyang biyenan.
“Gumising kana darryl at ihatid mo ang anak ko sa trabaho.”
Narinig ni darryl ang boses ng biyenan niyang si samantha sa kaniyang pagtulog. Kaya inakala na isa lang itong panaginip at tumalikod para ipagpatuloy ang malalim niyang pagtulog. Pero sa mga sandaling ito, malakas na bumagsak ang pintuan ng kanilang kwarto at agad siyang tinadyakan ng naiiritang si samantha.
“ Bingi ka ba o tanga? Hindi mo ba naririnig na tinatawag kita para ihatid si lily sa trabaho?”
Walang awa sinabi ni samantha.
Aminado rin si darryl na maganda pa rin si samantha kahit nasa thirties na ang edad nito. Siguradong pinangangalagaan nito nang husto ang kanyang itsura.
Inaantok pang tumayo si darryl mula sa sahig na kanyang hinihigaan at napatigil na tiningnan ang kanyang biyenan.
“Tatlong taon matapos naming ikasal, hindi manlang kame nakalabas ni lily kahit isang beses dahil kahihiyan lang ang turing niya sa akin, pero ngaun gusto na nitong ihatid ko siya sa trabaho?” Isip ni darryl.
Nasa punto na siyang iyon ng kanyang iniisip nang mismong si lily na ang puma*ok sa kanilang kwarto, naka bihis ito sa kanyang business attire. Agad nitong ipinadyak ang kanyang paa sa sahig at sinabing
“ Bingi ka ba? Dahilan mo o di kaya ayaw mo talaga akong ihatid?”
“ Gusto ko! Gusto ko!” Sabi ng walang tigil pagtangong si darryl. Nagmamadali siyang nagbihis at sumakay sa kanyang electric bike para ihatid si lily sa opisina nito.
Naglalagablab ang galit nito ni lily sa mga sandaling ito dahil sa kakulangan sa pondo ng kanilang kompanya at sa pangangailangan nito ng 5 million para muling makabangon. Pero hindi pa siya nakakahanap ng investor na magbibigay ng ganito kalaking halaga sa kanila kaya nahaharap na sa pagkalugi ang kanilang kumpanya! Agad na nagpatawag ng emergency meeting ng mga shareholders ang kumpanya, at bilang general manager, kinakailangan niyang dumalo sa meeting na ito. Noong paglabas niya lang para puma*ok naalala na ipinahiram niya pala ang kanyang sasakyan kay jade. Kaya wala na siyang nagawa kundi mag pahatid kay darryl sa trabaho.
KABANATA 2 next: