09/09/2026
๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐ ๐๐ง ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฆ-๐๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐ฆ๐ PROBINSYA NG SORSOGON, ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐๐ช๐๐ฌ๐๐ก ๐ง๐จ๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฆ ๐ ๐๐จ๐ก๐๐๐ ๐ก๐ ๐ง๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ข
Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan ng benchmarking at cross-learning activity sa Probinsiya ng Sorsogon noong ika-2 hanggang ika-4 ng Setyembre 2026, ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Tourism Month at hakbang upang higit na mapaunlad ang turismo sa ating bayan.
Sa aktibidad, pinag-aralan ng mga lumahok sa aktibidad ang mga programa at pamamaraan sa pagpaplano, mga pamantayan at regulasyon, epektibong pamamahala ng mga tourism sites, kultura, heritage, at local development planning na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng mga programang panturismo at mga polisiya sa bayan ng Tagkawayan.
Kabilang sa mga binisita ng delegasyon ang Sorsogon City, mga bayan ng Bulusan, Barcelona, at Casiguran sa Lalawigan ng Sorsogon, gayundin ang Museo ni Jesse Robredo sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur.
Nagkroon din ng pagkakataon ang mga kasama sa aktibidad na makadupang-palad ang dating Bise Presidente at ngayo'y Alkalde ng Lungsod ng Naga na si Mayor Leni Robredo sa tanggapan nito sa Naga City Hall.
Pinangunahan ni Mayor Carlo Eleazar ang delegasyon, kasama sina Vice Mayor Danny Liwanag, mga miyembro ng SB Committee on Tourism, Culture and the Arts, ang Tourism Office sa pangunguna ni Senior Tourism Operations Officer (STOO) Anna Louella U. Villanueva, Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Thelma Beรฑabon, Kaway Tagkawayan Municipal Tourism Council (KTMTC) President Wilfredo Lingon II, mga pangulo ng Barangay Tourism Council at kanilang mga kinatawan, mga local tourism stakeholders at iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Tagkawayan, magsisilbing gabay ang mga natutunan mula sa aktibidad upang higit na mapalago at maipakita ang kultura at potensyal ng Tagkawayan bilang isang destinasyong panturismo.
Para sa iba pang impormasyon at mga update tungkol sa turismo ng Tagkawayan, bisitahin ang opisyal na page ng Tagkawayan Tourism and Cultural Affairs Office.