23/07/2025
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ง ๐๐ฎ๐๐๐ซ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ ๐ง๐ข ๐๐๐จ๐ฅ ๐๐๐ซ๐ง๐๐ซ๐ ๐๐๐จ
PRESIDENT QUIRINO, SULTAN KUDARAT โ Sinimulan ngayong Hulyo 23-25, 2025 ang tatlong araw na pagsasanay para sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa ilalim ng Project HABAGAT (Hatid ay Alertong Benepisyo na may Aksyon at Gabay Alay sa Taumbayan).
Pinangunahan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director PCol Bernard Lao, ang programa na layong palakasin ang kakayahan ng mga BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Kabilang sa pagsasanay ang lecture, first aid at basic life support, reporting at documentation, basic self-defense at use of force, pati na rin fire safety tips at simulation drills.
Binigyang-diin ni PCol Lao ang kahalagahan ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa seguridad ng bawat barangay at tinitingnan ang karagdagang allowance bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa kabila ng hindi pagiging opisyal na miyembro ng pulisya.