09/04/2025
𝟱𝟬𝟯𝗿𝗱 𝗜𝗻𝗳𝗮𝗻𝘁𝗿𝘆 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗲, 𝗡𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝗸𝗮-𝟴𝟯 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗴𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻
𝘾𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣, 𝙏𝙖𝙗𝙪𝙠 𝘾𝙞𝙩𝙮, 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜𝙖 – Nakiisa ang 503rd Infantry "Peace and Justice" Brigade ng Philippine Army sa paggunita ng ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na may temang “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng kaunlaran ng Bagong Pilipinas," sa pamamagitan ng Wreath Laying na ginanap sa Tabuk City Hall ngayong ika-9 ng Abril taong kasalukuyan.
Ang nasabing seremonya ay isinagawa bilang pag-alala at pagbibigay-pugay sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na lumaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kabilang sa mga aktibidad ang pag-alay ng bulaklak na pinangunahan ng mga kinatawan ng 503rd Infantry "Peace & Justice" Brigade at 103rd Infantry "Mabalasik" Battalion, bilang simbolo ng patuloy na pagkilala at respeto ng Hukbong Katihan sa mga bayani ng bansa.
Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang organisasyong sibiko. Tampok sa programa ang mensahe ng pagkakaisa, at mga pagtatanghal na kultural.
Ang aktibong pakikibahagi ng 503rd Infantry Brigade at sa mga nasasakupang yunit sa ganitong mga makasaysayang okasyon ay nagpapakita ang sundalo ng kanilang dedikasyon hindi lamang sa seguridad ng bansa kundi pati sa pagpapalaganap ng diwa ng nasyonalismo at pag-alala sa kasaysayan.