Nagkakatha ng tula habang nakatulala

Nagkakatha ng tula habang nakatulala art of literature. power of words.

27/07/2024

Hindi ko na mabilang kung ilan na ba'ng tula ang naikatha ko tungkol sa'yo, isa, dalawa, tatlo, o apat ba? O mahigit na? Ngunit gusto ko lamang ipabatid na ikaw pa rin ang paksa at talata na ginuguhit ko, delikado nga ako sapagkat nahuhulog na naman ulit ako sa'yo kahit na alam ko na hindi mo naman ako gusto.

-himariひまり

27/06/2024

akala ko ayos na ako.

pero hindi pa pala.
nagpapanggap lang talaga akong ayos na ako, pinipilit ko rin na maging ma-ayos ako pero hindi ko talaga kaya.
na rito pa rin pala 'yong sugat na natamo ko, na rito pa rin pala 'yong sakit na dinanas ko, na rito pa rin ang sama ng loob na naka-ukit sa puso ko. hindi ko alam kung kailan mag hihilom o hihilom pa kaya 'to? at hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko, o kung lilisan na lamang ako ng walang paalam? hindi ko talaga alam. dahil kahit anong pag panggap at pilit ang gawin ko. hindi pa rin pala talaga ako ayos. tila ba'y wala na 'kong pag-asa para bumangon pa.

-himariひまり

25/06/2024

lumipas man ang panahon
ikaw pa rin ang pipiliin ko,
pumuti man ang iyong buhok
ikaw pa rin ang mamahalin ko,
hindi kita kailan man ipagpapalit
dahil ikaw lang ang hahanapin ko.

-himariひまり

25/06/2024

kung mas mainam ang lumayo,
ito na lang ang gagawin kong panangga sa magulo at abusadong mundo.
hindi niyo ako kailangang hanapin,
dahil maaaring hindi rin ako magpahanap at magtago na lamang sa kasulok-sulokan ng karimlan.

nais kong lumayo,
dahil gusto kong hanapin ang sarili ko.
hindi naman ako nawala,
ngunit may parte sa aking hindi na makilala ang aking pagkatao.

maaaring dahil sa pag-intindi ko sainyo kung kaya't naiwaksi ko ang aking pagkakakilanlan.
maaaring dahil sa pagmamahal ko'y iniwasan ko ang mga bagay na siyang ikinatutuwa ko.
maaaring dahil sa kagustuhan kong hindi kayo masaktan ay itinago ko na lamang ang sakit na aking nararanasan.
maaaring dahil sa pag-ibig ko'y hindi ko alam na ako pala ang magdurusa sa kahuli-hulihan.

masakit. ngunit pinili ko pa ring umintindi. akala ko'y gano'n ka rin sa akin. ngunit,
bakit mo ako hinusgahan?

tyullib//hindi na kita maintindihan

Address

Tabaco

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nagkakatha ng tula habang nakatulala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category