21/09/2025
Sanay ang Pilipinas sa makalawang na kadena ng mga dayuhan. sa haplit ng mga latigo kasabay ng paninigaw at pamimilit ditong mag trabaho.
sanay sa hirap ang mga Pilipino, mahigit tatlong daang taon tayong binaboy ng mga Espanyol sa sarili nating bayan.
sa laya hindi sanay ang Pilipinas,
hindi sanay ang mga mamayan nitong may kapayapaan. at sa katunayan, kada eleksyon ay boluntaryo silang nagtututok ng baril sa kanilang mga sintido at ang kanilang bawat boto ay 'sing dami ng mga balang itatanim sa kanilang mga ulo. ang bawat balota, ay nagsisilbing kasulatan ng pag payag sa pang aabuso at dito naman kinukuha ni satanas ang listahan ng mga demonyong ipapadala nya galing imyerno.
HINDI NAMAN TALAGA MAHIRAP ANG MAGING PILIPINO, NINANAKAWAN LANG TAYO.
sabi nila, ang pinaka karumaldumal na panahon para sa mga Pilipino ay ang pag sakop ng mga hapon. mga walang tinasang pag-patay, panggagahasa, pang-aabuso, at panggigipit sa mga ordinaryong Pilipino. gumising ka at subukang alisin ang pananakop nila, at tingnan mo kung may nabago ba.
ngayon tatanungin kita kung ano nga ba talaga ang mas karumaldumal sa kanila, ang pananakop ba ng mga dayuhan sa sarili mong bayan? o ang panggigipit ng mga kapwa mo Pilipino.