01/09/2026
Please react this photo (❤️)
LAKANDULA AT LAKAMBINI 2026!✨
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, sabay-sabay nating saksihan ang pag-usbong ng mga bagong mukha ng dangal at diwang makabayan, ang mga kalahok sa Lakambini at Lakandula ngayong Sept. 3, 2026.
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ipinapaalala sa atin na ang wika ay hindi lamang bahagi ng ating kultura, kundi isang mahalagang tulay sa pagkatuto, paniniwala, pananaliksik, at pag-unawa sa makabagong mundo.
Mula sa lalim ng kanilang pananaw, sa ganda ng kanilang puso, at sa alab ng kanilang paninindigan, hayaan nating marinig ang kanilang tinig, madama ang kanilang kwento, at makilala ang kanilang hangarin.
Halina’t kilalanin ang mga bagong mukha ng dangal at pag-asa. Sa kanilang mga mata, mababanaag ang pagmamahal sa Filipinong diwa, at sa kanilang mga puso, nananahan ang pagnanais na buhayin at palaganapin ang yaman ng katutubong wika. ♥️✨
Ibigay na ang inyong hatol sa pamamagitan ng reaction sa bawat larawan ng inyong gustong Lakambini at Lakandula. Magsisimula ang pagpili bukas ng umaga hanggang sa Sept. 2, 2026.
Maraming salamat sa inyong suporta!✨❤️