Jo's poem

Jo's poem Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Jo's poem, Arts and entertainment, Matnog, Sorsogon.

03/11/2021

- kailangan ko ang tinta ng pag tanggap mo
Ilalathala ko lang ang kwentong Ikaw at Ako ang pamagat
Pag Ibig na kasing lalim ng dagat
At kasing tibay ng bato na kakayanin lahat
Gaanu man ito kabigat😊

03/11/2021

- Kahit wag na akong maging masaya
Sapat na sa aking nakikita Kang maligaya
Di man sa akin kahit sa feeling man ng iba🦋

03/11/2021

- Pwde ka bang makasama sa kwentong bubuuhin ko?
Sabay ipangangapandakan sa mundo
Ang salitang salamat dahil naging masaya ako sa piling mo
Kahit Walang mabuong tayo

03/11/2021

-Hindi ko maipapagkaila
Na kaming mga Bakla
Pahirapan mahalin kagaya ng aming mga inakala

03/11/2021

- ikaw ang Ginoo
Sa istorya kong binubuo
Kahit malabong ang ikaw at ako
Yung tayo sa kwento ko
Sapagkat merong sya sa istorya mo🥺

03/11/2021

Katulad ng tula
Minsan malaya
Malayang piliin natin kung anu ang tama🦋

03/11/2021

-Takot

Maraming dumating na mas pinili kong manahimik
Minabuting wag na lang akong umimik
Àyukong maging madaya sa naramdaman ko
Mang gamit ng tao para sa ikakasaya ko

Pwde na ba akong mag màhal ulit?
Kahit dama ko pa ang sakit at galit
Gusto kong maging masaya pero di ko kaya na Ikaw ay ipagpalit
Gusto ko mang makalimot subalit sa puso't isip ko'y Ikaw ay nakaukit

Ayuko kong mag mahal at maging masaya sa piling ng iba
Àyukong makita na kapag masaya na ako babalik ka
Hanggang ngayon kasi patuloy parin akong umaasa
Na ang Ikaw at Ako mabuo pa , kahit man lamang sa aking PAG papantansya

Gusto ko ng makawala sa pag ka bihag mo
Gustuhin ko man subalit Ikaw parin talaga
Kahit ipikit at idilat yaring mga mata
Ikaw parin talaga ang gustong makasama kahit malabo na
Ang istorya nating dalawa

03/11/2021

Why do we
Fall Inlove
With people
We can't have

- lyra💕

03/11/2021

Pagsuko
Ni :Jo

Ilang milya pa ba ang lalakarin ko
Mapalayo lamang Ako sayo
Ilang hakbang pa ang gagawin ko
Makalimot lang ako

Binalak kong hakbangin ang pagitan ng milya sà kilometro
Milya kilometro ganun kalayo
Para maging bakas sà aking mga mata
Ang Page kalimot ko sayo sinta

Di ko kailangang sumuko
Kasi ni minsan di ka naman nangako
Pero sarili ko sayo'y akin ng inilalayo
Sa pag ibig sayo minabuti ko ng sumuko't lumayo

Bakas sà aking mga hakbang ang aking pag gunita
Ang mga pag nanasang gusto kitang makuha
Kahit di ganun kadali
Kasi alam kong di mo ako pinili

Ilang beses akong sumubok para ligawan ka
Para akin sanang maipadama
Subalit bigo ako aking sinta
Dahil kinain ako ng takot at pag iisip ng iyong pang huhusga

Ikaw yung laban na di ko na ipanalo
Hinayaan kong lamunin ako ng simbuyo't panibugho
Hinayaang Ikaw ay mag laho
Subalit ang pag iwas at ang aking pag layo
Ay simbolo ng Ikaw at ako kailaman di pinagtagpo

Naisip ko na baka napagod lang ako
Baka naguguluhan lang din sayo
O baka naman sinasayan ko lang Ang sarili ko
Sa mga bagay na kailanman di talaga ako ang pipiliin mo

Ilang beses akong sumugal
Alas na baraha hinawakan ko ng matagal
Anung silbi nito kung pag kapanalo ko ay sya mong pag katalo
Kaya minabuti kong dibale ng ako na lamang ang mapaglaruan
Wag lang ang Ikaw ang masugatan

Gusto kong mag laro tayo
Laruin natin ang larong makabago
Sa larong to kakampi mo ako
Di ko gusto na matalo tayo
Kahit sa larong to maramdaman kong lumaban tayo pareho

Kailangan kitang protektahan
Mula sa mapangahas na kalaban
Anung silbi ng pag iingat ko
Kung balak mo din pala na talikuran ako
At sya ang gusto mong maipanalo

Baka sa ngayon di man tayo pinagtagpo
Ni hindi man tinadhana
Ni minsan ang Ikaw at Ako di talaga ang naka takda
Pupunitin ko na ang istoryang ako ang may akda
Paalam mahal lalakbayin ko lang Ang bagong simula
At Ikaw lihim paring iibigin
Kahit malinaw na sa na ayaw mo talaga sa akin.

Address

Matnog
Sorsogon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jo's poem posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share