SimpleJoy ang awtor ng bicol

SimpleJoy ang awtor ng bicol I'm a simple women and I want to invite of all my friends to read my stories. thank you so much.

TRANSFERRE SIYA SA SCHOOL NAMIN KAAGAD KO SIYANG NAGING CRUSH DAHIL SA TAGLAY NIYANG KAPOGIAN NAGKAKAUSAP KAMI INAAYA NI...
29/04/2026

TRANSFERRE SIYA SA SCHOOL NAMIN KAAGAD KO SIYANG NAGING CRUSH DAHIL SA TAGLAY NIYANG KAPOGIAN NAGKAKAUSAP KAMI INAAYA NIYA AKONG KUMAIN NG TUSOK-TUSOK KADA UWIAN,HININGI NIYA DIN ANG NUMBER KO HANGGANG SA NAGKAKA USAP KAMI HANGGANG ISANG ARAW BIGLA SIYANG NAGBAGO SA'KIN HINDI NA SIYA NAGIGING MAKULIT AT HINDI NA RIN MADALAS MAGPADALA NG MEMSAHE.

Ako si Samantha grade 11 student nineteen years old. Unang pasukan namin sa taong 2026 may bagong mukha akong nakita na curious ako kung sino ba siya kaya kaagad akong lumapit sa kaibigan kong si Jennifer.

"Hoy sino yung gwapo na naka upo sa ilalim ng punong narra?"

"Ahh yung transferre na pogi." Kinikilig na sagot nito nayamot ako sa kaniyang sagot kaya kinurot ko siya sa baywang.

"Sa'kin na siya huwag kana kiligin."

"Ahmm inaangkin kaagad, Yan si Terrence tahimik at misteryoso na tao."na challenge ako sa sinabi ng kaibigan ko.

"I like that." Naka ngisi na sabi ko.

"I know." Sang ayon niya naman saking sinabi.

Tumunog na ang bell hudyat na mag sisimula na ang klase kaya naglakad na kaming magkaibigan papasok sa classroom nakita kong pumasok din si Terrence sa classroom namin naglakad siya patungo sa likuran kaya kinuha ko ang bag ko at sinundan siya.

"Bago ka dito?" Kausap ko sa kaniya, tumingin lang siya sa'kin bago ibinalik ang tingin sa table niya medyo nainis ako.

"Ako pala si Samantha but call me sam."

"Terrence."

"Ang tipid mo naman sumagot."

"I'm sorry miss pero hindi ako nakikipag kaibigan eh."

"Hindi naman kaibigan ang hanap ko."

"Ano pala?" Naka kunot na ang noo niya.

"Boyfriend." Natawan siya dahil sa sagot ko.

"I'm single but I'm not available sorry."

"Pano kung hindi ako tumigil kakalapit sa'yo?"

"Eh problema muna yun diba?" Naka ngisi na siya.

"Pasalamat ka pogi ka."

"Pano kung hindi ako pogi hindi mo ako magugustuhan?" Seryoso na ulit ang kaniyang mukha kaya napataas ang kilay ko.

"Hindi naman sa ga-."

"Go back to you're chair, I don't like you to stay here."

"Ang sungit naman." Padabog kong kinuha ang bag ko bago bumalik sa upuan namin ni Jen.

"Sinungitan ka no?" Tanong sa'kin ni Jen.

"Ano pa nga ba?"

"Sabi sa'yo eh." Natahimik na kami ni Jen dahil dumating na si Ms Paula nagpakilala si Terrence sa harapan madami ang kinilig dahil sa taglay niyang kapogian hindi ko naman naiwasan na hindi nainis dahil lahat na kinikilig sa kaniya ay ngini-ngitian niya.

Nasa canteen na kami naka simangot pa din ako kaya tinampal ng mahina ni Jen ang braso ko.

"Ano ba yan? Nandito na tayo sa canteen ganyan pa din mukha mo."

"Pano nakaka inis kasi yung Terrence na yun."

"Hayaan muna natural na yun na madami ang kikiligin sa kaniya pogi eh." Hindi na ako sumagot sa kaniyang sinabi kinain ko na lang ang binili kong pancit.

Habang naglalakad kami sa pabalik sa classroom nakita ko si Terrence na kausap si Bea isa sa maharot na babae sa school namin may patapik tapik pang nalalaman.

"Huwag kang papahalata na nag seselos ka." Babala saakin ni Jen pinigilan ko ang sarili ko na hindi tumingin sa kanila naging successful naman.

Sa likod ako naupo dahil gusto kong matulog dahil nawalan ako ng gana makinig sa mga g**o.

"Bakit nandito ka?" Hindi ko siya pinansin.

"Upuan ko Yan."

"Natutulog ang tao istorbo ka ang dami namang upuan dyan eh." Inis na sabi ko sa kaniya napataas ang dalawa niyang kamay.

"Sorry na ang init mo naman." Naupo siya sa katabi ko muli akong yumuko sa table.

"Masyado ka naman selosa." Habang sinasabi niya yun nakahawak siya sa buhok ko. Nangingiti ako dahil sa ginagawa niya.

Oras na nag uwian nagmamadali akong lumabas ng classroom napahinto lang ako dahil may humawak sa braso ko.

"Uuwi kana kaagad."

"Oo Kasi wala naman ako kasama Kumain sa TUSOK-TUSOK eh." Sagot ko.

"Libre ko."

"Seryoso?" Gulat na tanong ko.

"Oo nga."

"Alam mo ang weird mo."

"Pano mo naman nasabi?"

"Kasi minsan mabait ka,pala ngiti Minsan naman nakasimangot Hindi nabasa kung ano ang nasa isip."

"Masanay kana sa'kin ganon talaga ugali ko."

Simula noon naging magkaibigan na kami ni Terrence madalas na din Niya akong I text madalas na din kami sabay kumain sa canteen lahat sila iniisip mag jowa na kami pero ang totoo ay hindi dahil hindi naman nanliligaw sa'kin si Terrence kapag nga may nagtatanong kung ano kami madalas na sagot ko magkaibigan pero may mga hindi naniniwala dahil iba daw ang sweetness na meron kami.

12/04/2026

Init

Address

Sipocot Camarines Sur
Sipocot

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SimpleJoy ang awtor ng bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category