06/07/2026
"Obra"
Iguguhit kita gamit ang lapis at papel,
Iguguhit kita hindi lamang ang 'yong mukha, kundi pati narin ang 'yong damdamin.
Nais rin kita ipinta gamit ang brotsa,
Ipipinta kita sa ulap, bituin at bughaw na langit,
Gagawa ako ng obra na ikaw lamang ang laman, obra na kailanma'y hindi maluluma ng panahon.
Iguguhit o ipipinta kita hindi dahil nais ko lang, kundi dahil mahal kita,
Sa aking bawat guhit ay may lihim na kwento, na sa puso ko'y tahimik na namumuo.
At kung sakaling masira ang aking obra,
O mabura ng ulan ang bawat guhit,
Sa puso ko'y mananatili kang buo,
Sapagkat ikaw ang obrang kaylan ma'y hindi maluluma ng panahon.