26/07/2026
Masama ba yung, ako naman?
Ilang araw ka ng wala diko alam kung sino kasama mo,
di ako sanay na dika umuuwe.
Pag uwi mo aalis ka nanaman sila kasama mo,
Diko alam ano kinwento mo,
saken dika na nagkekwento,
Siguro toxic na!
Siguro nga, Pwede mo naman sabihin kung ayaw mo na.
Diko ipipilit sarili ko, Diko pag sisiksikan ang sarili ko sa ayaw saken.
Pinipilit kong maging okay, sa kabila ng lahat ng sinasabe saken.
Pinipilit kong maging okay sa harap ng anak naten.
Sana sinabe mo agad na wala ka ng pake sa kung ano mararamdaman ko,
Dina sana ako nag expect na eexplain mo,
kung sino kasama at ginawa niyo.
Pero sana, masaya ka kung anong nangyayari saten,
Gusto kitang kausapin, pero parang ayoko,
Gusto kase, mahal kita! ayoko magpa apekto sa sinasabe ng iba.
Ayoko kase, Sobra na atang pagsunod at pagmamahal ang ginagawa ko, kaya sobrang baba na ng tingin saken.
"na kaya ka ganyan, masyado ka mabait"
"na sa susunod, dimo alam may ipot kana sa ulo"
'HAHAHA, Siguro napapraning na ako kakaisip,
Diko na alam pano pa, ano paba dapat kong gawin.
Nililibang ang sarile, sugal, laro online at kung ano ano pa.
Iniiwasan mag isip,
Mapatigil lang ako, may nabulong na saken
"what if, meron na nga"
Putcha, kulang nalang umiyak ako! HAHAHA
sari-sari na napasok sa utak ko.
Di biro sinabe ko, oras na makita ko,
ng mismong dalawang mata ko
at nagsasama pa tayo
Makakapatay ako.
Sarap, di ako marunong makinig!
Okay.
Napupunta sa away?
Okay.
Kaya nga, sinasabe ko sayo na sabihin mo lang saken kung may problema ka,
ako na bahala magdala para sayo kaso,
Parang ngayon, diko na kaya bitbitin lahat!
Parang bibigay nako.
Wala kana pake sa mararamdaman ko?
Ge dina ako magsasabe sayo.
SANA MASAYA KA SA GANTO!
babalik nanaman saken yan.
alam ko na yan!
Di ako masaya sa ganto, sa tingin mo masaya bako?
Sana nakikita mo.