22/03/2024
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=784225873815596&id=100066845703194&mibextid=CDWPTG
πππ§ππ‘π π¦ππ‘π§ππππ¨πΓπ’, π¦ππ¦ππππ π¦π πͺπ’π₯ππ ππππ π£ππ’π‘π¦πππ£ π’π π£ππ₯ππ’π₯π ππ‘π ππ₯π§π¦ π¦π π¨π¦π
Cauayan City - Nakahanda na ang isang siyam na taong gulang na bata mula sa Santiago City na ipamalas ang kanyang angking talento sa pagiging instrumentalist sa buong mundo.
Kinilala ang isang Proud IsabileΓ±o na si Zedrigeaux Tiongson Solomon, instrumentalist at multi-talented Filipino Youngster na tubong Santiago City, ang siyang nag-iisa at pinakabata mula sa Rehiyon Dos na representative ng Pilipinas sa World Championship Of Performing Arts na gaganapin sa Long Beach, California, USA.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team sa ina ni Zedrigeaux na si Janeberick Solomon, ang naturang kompetisyon ay ang nag-iisa at natatanging Talent Olympics para sa mga performers at entertainers sa buong mundo.
Kwento ng ina nito, limang taon pa lamang si Zedrigeaux ng mapansin niyang gifted ang kanyang anak lalo na ng makita niyang tila may talento ito sa pagtugtog ng Piano.
Habang lumalaki si Zedrigeaux, mas naging mahusay pa ito sa pagtugtog ng piano kahit na wala itong formal training at kaya pa nitong tumugtog kahit nakasuot ng blindfold.
Bukod sa pagiging instrumentalist, mahusay rin ito sa pagsayaw, pag-awit at maging sa pagbuo ng iba't-ibang klase ng Rubics Cubes.
Labis naman ang kagalakang nararamdaman ng ina nito dahil biniyayaan ang kanyang mga anak hindi lamang ng galing pagdating sa mga talento kundi pati na rin sa kabutihang asal.
Samantala, gaganapin naman ang World Championship of Performing Arts sa ika-28 ng Hunyo hanggang ika-8 ng Hulyo.