21/11/2022
"At kung..."
Unspoken poetry
-Sir Gleen Salve (Sir Blueπ)
Sa paglipas ng gabi, at paglubog ng araw,
Hanap ang 'yong labi, katawa'y giniginaw.
Asan ka na?
Aasa pa ba?
Sa bawat patak ng oras sa umaga,
Ako'y ginigising ng katotohanang wala na.
Wala nang tayo.
Wala na yung dating ikaw at ako.
Pilitin ko mang ika'y bumalik,
Tila ba hindi na rin ako nasasabik.
Wala na ang dating tamis ng iyong ngiti,
Tinangay na ng hangin, pagibig mo pati.
Pumuti man ang uwak o manatiling itim parin,
Alam kong hindi ka na muling magiging akin.
Hamakin ko man itong buong mundo,
Mananatiling "himala" ang maging ikaw at ako.
Muli.
Kahit sandali.
Asan ka na nga ba?
Masaya ka na ba habang kasama mo siya?
Eto parin ako.
Hindi ako nagbago.
Tanga pa rin ako, para sa'yo.