Keep it up

Directions

Keep it up Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Keep it up, Comedy Club, San Pablo City.

Palagi nyo lang galingan!
17/08/2026

Palagi nyo lang galingan!

Mabuhay ka ayon sa gusto mo, hindi ayon sa gusto nila. Hindi mo kailangang sundin ang expectations ng iba. Live your lif...
17/08/2026

Mabuhay ka ayon sa gusto mo, hindi ayon sa gusto nila. Hindi mo kailangang sundin ang expectations ng iba. Live your life on your own terms, dahil sa huli, ikaw lang ang tunay na makakaalam kung ano ang magpapasaya sa'yo.

Minsan hindi ka naman talaga mahina.Hindi ka rin tamad.Nasa maling environment ka lang.Minsan nasa paligid mo ‘yung dahi...
17/07/2026

Minsan hindi ka naman talaga mahina.
Hindi ka rin tamad.
Nasa maling environment ka lang.

Minsan nasa paligid mo ‘yung dahilan kung bakit hindi ka makausad.
Mga taong nilalason utak mo.
Mga lugar na paulit-ulit kang hinihila pabalik.
Mga sitwasyong pinipilit mong panindigan, kahit alam mong hindi na tama.

Kaya minsan, hindi ‘pagsusumikap’ ang kailangan mo.
Kundi pag-alis.

Mahirap, oo.
Kasi sanay ka na.
Kasi komportable ka na.
Pero ‘yung comfort zone, madalas ‘yan ang dahilan bakit ka hindi lumalago.

Half of the game is learning to let go.
To walk away.
To remove yourself from people, places, and habits that no longer help you grow.

Kasi ang hirap lumipad
kung ikaw mismo, pilit kang nananatili sa mga lugar na pinutol na ng Diyos para sa’yo.

Nag re-reklamo ka sa trabaho kasi may trabaho ka,nag re-reklamo ka sa gawaing bahay kasi may tahanan ka,nag re-reklamo k...
08/07/2026

Nag re-reklamo ka sa trabaho kasi may trabaho ka,

nag re-reklamo ka sa gawaing bahay kasi may tahanan ka,

nag re-reklamo ka sa pagkain kasi may pang-kain ka,

nag re-reklamo ka sa tumal kasi may negosyo ka,

nag re-reklamo ka sa traffic kasi may sasakyan ka,

nag re-reklamo ka sa buhay pero buhay ka.

Maging mapag-pasalamat tayo palagi!

Kasi minsan yung nirereklamo natin, pangarap na pala ng iba.

Yakap na mahigpit sayo kapatid! 🫂

17/04/2026

Tiis lang,aayon din satin ang panahon🙌

Practice mo lahat ng nakakatamad gawin moNakakatamad mag exerciseMag exercise kaNakakatamad matulog ng maaga Matulog kaN...
22/03/2026

Practice mo lahat ng nakakatamad gawin mo

Nakakatamad mag exercise
Mag exercise ka

Nakakatamad matulog ng maaga
Matulog ka

Nakakatamad mag trabaho
Mag trabaho ka

Basta lahat ng nakakatamad ayun gawin mo

Ayun yung tama

Basta lahat ng nakakatamad yan ang tama.

Sandali lang ang buhay sa mundo.Yung kakulitan mo ngayon,mamaya malungkot na.Yung kapeng iniinom mo,mamaya malamig na.Yu...
22/03/2026

Sandali lang ang buhay sa mundo.

Yung kakulitan mo ngayon,
mamaya malungkot na.

Yung kapeng iniinom mo,
mamaya malamig na.

Yung kainuman mo ngayon,
mamaya tulog na.

Yung tropa mong masaya,
mamaya aalis na.

Pinakamasakit, yung malapit na tao sa’yo,
mamaya wala na.

Kaya habang buhay pa sila,
habang abot-kamay mo pa sila,
Ipadama mo ang tunayna kahulugan ng pagpapahalaga.🫶

“Balang-araw, hindi na tayo survival mode”Hindi na kailangang mangutangkasi sapat at may naitatabi nahindi na survival m...
06/03/2026

“Balang-araw, hindi na tayo survival mode”

Hindi na kailangang mangutang
kasi sapat at may naitatabi na

hindi na survival mode,
hindi na iisipin kung pano ang bukas

balang-araw, tayo naman ang mananalo

“Ang aga kong tumanda.”Hindi dahil sa edad,kundi sa bigat ng mga responsibilidad.ni hindi pa nga lagpas ang edad ko sa m...
06/03/2026

“Ang aga kong tumanda.”

Hindi dahil sa edad,
kundi sa bigat ng mga responsibilidad.

ni hindi pa nga lagpas ang edad ko sa mga numero ng kalendaryo
pero bakit parang pakiramdam ko ang tanda-tanda ko

ganito siguro talaga ang reyalidad
ang pagtanda ay hindi nakabase sa edad

kundi sa karanasan, sakripisyo, tahimik na laban at sugat na natamo
na kahit walang nakakakita ay nagpapatuloy pa rin tayo

-tumanda agad ako, eh ikaw?

Hindi lahat magugustuhan ka,  at hindi mo dapat ipilit na gustuhin ka nila.Kung sino lang yung andyan' para sayo dun ka🩷
07/02/2026

Hindi lahat magugustuhan ka,

at hindi mo dapat ipilit na gustuhin ka nila.

Kung sino lang yung andyan' para sayo dun ka🩷

Address

San Pablo City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Keep it up posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category