15/05/2026
SAN MARCELINO FLORES DE MAYO 2026 🌸✨
Muling ipinamalas ng pamahalaang lokal ng San Marcelino ang pagpapahalaga sa pananampalataya, kultura, at pagkakaisa sa matagumpay na pagsasagawa ng Grand Flores de Mayo 2026.
Ang aktibidad ay nilahukan ng humigit-kumulang 25 kalahok mula sa iba’t ibang business establishments, civil society organizations (CSOs), mga barangay, at paaralan sa bayan.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapanatili at maipasa sa susunod na henerasyon ang isa sa mga makabuluhang tradisyong Pilipino na sumasalamin sa debosyon kay Mahal na Birheng Maria, habang pinatitibay rin ang samahan ng komunidad at iba’t ibang sektor sa bayan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga tradisyong nagbubuklod sa bawat Marcelinean at nagsisilbing paalala ng pananampalataya, respeto, at malasakit sa kapwa.
Gayundin, pinasalamatan ng alkalde ang mga kalahok, sponsors, volunteers, at mga tanggapan ng pamahalaan na nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay at makahulugan ang pagdiriwang ngayong taon.
Tampok sa prusisyon ang mga pinalamutian na arko, makukulay na bulaklak, at ilaw bilang simbolo ng paggalang at pag-aalay kay Birheng Maria.
Suot ang kanilang makukulay at eleganteng kasuotan, naging simbolo rin ang mga kalahok ng pananampalataya, kagandahan ng kulturang Pilipino, at pagkakaisa ng komunidad.
Dumalo rin sina Hon. Vice Mayor Christopher Jimbo Gonggora, mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang si SBM Louella Aquino, mga department heads, kawani ng lokal na pamahalaan, at iba’t ibang stakeholders na nakiisa sa makulay na selebrasyon.
Naging posible ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Tourism Office, iba’t ibang tanggapan ng munisipyo, volunteers, sponsors, mga empleyado ng LGU, at mga Marcelinean na buong pusong nagbahagi ng kanilang oras, suporta, at talento para sa nasabing pagdiriwang.
Nagkaroon din ng awarding of certificates bilang pagkilala sa pakikiisa at ambag ng mga kalahok at sponsors na naging bahagi ng matagumpay at makahulugang selebrasyon.
Patunay ang Grand Flores de Mayo 2026 na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na napagyayaman ng bayan ng San Marcelino ang mga tradisyon at kulturang nagbibigay identidad, inspirasyon, at pagkakaisa sa komunidad.
"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"