19/08/2026
Isang Grade 9 student, pumasok sa Ateneo de Zamboanga nang may dalang baril, pumatay ng mga kaklase, tapos isisisi niyo kay Kiko Pangilinan? O kay Sara Duterte? O sa mga Muslim?
Seryoso? Labas ang pulitika at relihiyon dito!
Bago niyo na naman gawing bala sa political bardagulan ang patay na bata, itanong niyo muna ang tunay na mahalaga: PAANO NAKAKUHA NG BARIL ANG ISANG 14-YEAR-OLD?
Hukayin niyo kung kanino galing 'yang baril. Panagutin at ikulong habambuhay ang sinumang nagpabaya o nagbigay niyan sa bata.
Higpitan ang gun laws ngayon din! Ayusin ang security sa mga paaralan, at kung may school official na tamad mag-patupad, sipain agad! Ayusin din ang guidance at intervention. Sa mga magulang naman na ayaw makipag-cooperate: utang na loob, 'wag niyo nang papasukin 'yang mga anak niyong tinubuan ng sungay kung hindi niyo rin lang kaya silang disiplinahin!
Sa Zamboanga, may pamilyang uuwi nang kulang. Isang bata ang hindi na nakabalik mula sa eskwela.
'Yan ang resibo ng kapabayaan nating lahat. At kahit anong sisihan sa pulitika, hindi na niyan maibabalik ang buhay ng batang 'yan.