PH Camp Crashers

PH Camp Crashers Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PH Camp Crashers, San Jose del Monte.

28/01/2026

"Asukal"

Yes, kami po yun. As first time campers or "squampers" sabi nga po nila, di po namin talaga inaasahan na ganun pala kaingay i set up ang INFLATABLE tent, hirap na hirap kami pati sa paghanap ng butas kung san bobombahan ang tent. YunG air pump palang nya maingay na pala, kaya nag mano-mano nalang kami ng bomba para less ingay kaso maingay parin pati un pang bomba nag wiwhistle. Natatawa nalang kami at the same time kabado sa nangyayari.

Bago kami bumiyahe from Bulacan to Zambales we made sure na may contact kami from CST and hindi kami walk-in "squampers", ang sabi po ni kuya Mendel i-meet niya daw kami sa Solar Farm pag nandun na kami pero dahil di din po namin alam na wala palang signal don sa Solar Farm hindi na po namin matawagan si kuya Mendel para sabihin na nakarating na kami sa meeting place, kaya nag take kami ng risk na sundan ang waze and di din po namin inaasahan na ganun ka lubak ang daan at wala ring signal. Naglakas loob lang kami na tumuloy parin kesa masayang ang 6 hours na byahe namin, inabot na kami ng 1am, nangangamba kung may aabutan pang camp site.

Isang beses lang po kami sinaway ang sabi po samin "Baka mag patulog naman kayo!" Alam po namin na may quiet time from 12mn to 8am, pinilit po namin na mag set up ng walang ingay pero mahirap po yun sa part namin since very quiet po ang campsite onting usap lang po namin maiingayan na po talaga yung iba. As first time "squampers" pinag tulungan i set up ang mga tent namin, di maiiwasang di mag salita, mag-usap.

Wag niyo naman din po sana kami sabihan ng "K*pal" kada dadaan kami para mag cr, sana din po di niyo sinabuyan ng "ASUKAL" yung tent ng mama namin na senior citizen kasi literal na pinapak siya ng langgam. Yung tent na lang sana namin, mali po ata kayo ng nasabuyan....

Pwede naman po kami kausapin ng maayos di po yung popost niyo na ganun kami, sana inalam po muna mga pangyayari di po porket sanay na kayo mag camp e ganun na po ang lahat. Lahat naman po dumadaan sa first time.

Pasensya na po sa lahat ng naingayan, next time po aayusin na po namin. Pasabihan po kami san po next camping niyo para pupunta din po kami. Aayusin na po namin.

Again, sorry sa mga naka sabay namin mag camp sa mga araw na yun. Salamat din sa CST sa pag-unawa. Mabait po sila😊

Address

San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PH Camp Crashers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share