12/05/2026
Congratulations to our direk Roberto Peralta Ramirez Jr. & to SINTA family โค๏ธ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐๐๐๐-๐๐-๐๐๐
Isang taos-pusong pagbati at pagkilala sa mga mananayaw ng Sining Tanglawan ng San Jose del Monte Performing Group sa pagpasa ng resolusyong kumikilala sa kanilang matagumpay na pakikilahok sa International Dance Day Fest na ginanap sa Samsung Theater, Circuit Makati noong ika-23 ng Abril 2026. Sa pamamagitan ng kanilang husay, talento, at dedikasyon sa sining ng sayaw, muli nilang naipakita ang galing at kulturang ipinagmamalaki ng ating lungsod sa mas malawak na entablado.
Taos-pusong pasasalamat kina Hon. CVM Arlene C. Bartolome-Arciaga at Councilors Cabuco, Baluyut, Abela, Concepcion, Robes, Gerona, Salentes, Pordan, Roquero, Francisco, Acibal, Lorenzo, Ipio, at San Jose sa kanilang suporta at pagbibigay-pagkilala sa nasabing resolusyon.
Isang pagpupugay sa dedikasyon, talento, at inspirasyong ibinibigay ng Sining Tanglawan sa sining, kultura, at kabataang patuloy nitong binibigyang dangal at inspirasyon. Patuloy kayong maging tanglaw ng galing at pagmamalaki ng ating lungsod!