Mga Linya at Tugma

Mga Linya at Tugma Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mga Linya at Tugma, Poet, San Andres.

16/08/2024

Akala ko dati,
Kapag alam ko ang lahat ay mas mabuti,
Ngayon napagtanto kong mali pala, may mga bagay palang dapat hindi ko na lang inalam—
Para hindi sana ako nasaktan at wala sana akong pakialam.

Ang totoo habang mas nauunawaan ko ang reyalidad at mundo,
Lahat ay nagiging komplikado.
Maraming kailangang isipin at isantabi—
May mga punto pang hindi na maunawaan ang sarili.

Akala ko dati,
Lahat ng bagay ay aayon sa plano at simple,
Pero hindi pala, dahil hindi lahat ay permanente pagdating ng araw.
May mga sitwasyong nagpabago sa aking pananaw.

Kaya siguro,
Nakabase ang pananaw ng tao sa sitwasyong naranasan nito,
At mauunawan lang ito ng iba—
Kapag naranasan na rin nila.

Akala ko dati, mas madali kapag tumanda na,
Dahil lahat ng naisin ay magagawa,
Pero mali pala ako—
Mas mabigat at malungkot pala dito.

YT: https://www.youtube.com/
IG: https://instagram.com/_tintalata_?igshid=ZGUzMzM3NWJiOQ==

29/07/2024

Kasama ka sa dasal ko.

Dahil hindi kita kayang yakapin mula sa malayo. Hindi posibleng matapik ko ang likod mo at ibulong sa’yong nandito lang ako. Malabong masamahan kita sa lahat ng maputik at daang mabato.

Pero isasama kita sa mga panalangin ko.

Bago matulog sa gabi. O kahit sa mga bakanteng sandali. Kapag sumagi ka sa isip ko, o naalala sa mga bagay na gusto mo. Idudulog kita sa Kanya. Ipapakiusap kong sana’y sumubok kang muli bago tuluyang sumuko.

At kapag hindi na kayang isalba, sana’y mahanap mo ang pagpapalaya’t pahinga. Sana’y maghilom ang mga tinamong marka. Wala ako d’yan para tulungan kang gamutin ang mga sugat at paalalahanan ka sa bagong umaga.

Pero asahan mo,
kasama ka sa mga dasal ko.


Ron Canimo
roncanimoph
***
✨MTAT book: https://vt.tiktok.com/ZSFWHQ9jX/
☀️ ISBA book: https://vt.tiktok.com/ZSFWHkQ5b/

29/07/2024
29/07/2024

Ikaw ang aking pahinga
Sa nakakapagod na mundo.

—MLT🪶

29/07/2024

Tatanawin ko palagi ang bukas. 💜

29/07/2024

Scars remain a reminder. 🥀

29/07/2024

ULAN

Isa, dalawa, tatlong patak,
Hanggang sa lumakas ang buhos ng ulan,
Maraming naaaliw mga bata'y nagtatampisaw,
Kay sayang magmasdan habang sila'y naglalaro't nagtatakbuhan.

Ngunit sa pag patak ng ulan hindi lahat may masisilungan,
hindi lahat ay may matutuluyan.
Ang bubong ay butas,
Isa, dalawa, kay rami namang tumatagas
Isod dito, isod doon,
Palagi na lang ganito ngunit nasanay na rin dito.

Kahit ano mang buhay ang meron ka,
Laging mong tandaang may pag-asa,
Na ang ulan ma'y malakas o mahina,
Baka bukas ito'y hupa na
Baka bukas maaraw na.

—MLT🪶

Address

San Andres

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Linya at Tugma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category