26/09/2026
Hindi na kami ulit dyan. Wala kwentang pa DC yan pati mga Orga dyan walang kwenta. Napaka pangit ng ginawa niyo sa Grupo namin.
Napaka aga ng Stick2one sa Venue dahil sumunod kami sa napagkasunduang oras. 8:30 ang calltime. Sakto kami sa oras kase iniiwasan nga namin ang deduction kaso yung mga paborito nilang mga grupo wala pa. Nasa Laguna pa. Ngayon ang sabi ng Orga niyo.
Orga : pa wait lang po sir kase hinihintay pa natin yung ibang grupo mamaya na magbunutan.
Orga : mamaya na po sir ako na pong bahala sa inyo. Kahit ihuli ko na kayo wala kayong DEDUCTION.
S21 : sure po yan ah. Uunahin na po muna namin yung sa got Talent. Babalik nalang po kami dito after namin makasayaw don.
Number1 kase kami kaya pinilit namin makarating sa tamang oras. Eto na. Nagumpisa na yung DC Around 9pm ata kung hindi kami nagkakamali.
Hindi daw nila maumpisahan yung Program gawa ng kami ang number 1 ayaw naman daw sumalang nung number 2 kase nga syempre 2 sila. Kami naniwala dun sa Organizer na Walang kwenta. Pinanghawakan namin yung mga sinabi ng lintek na yon.
Mga 9:30 bumalik na kami dahil tapos na kami makasayaw sa got talent. Nagulat kami May deduction na daw yun na daw ang napagkasunduan. Syempre kami nagtataka na bakit ganon? Akala namin walang deduction. Nung wala pa yung mga paborito nilang grupo ayaw nilang umpisahan kase nga hinihintay nila. tas wala manlang deduction sa part nila na mga late? Kami tong sumunod sa calltime nila kase nga umiiwas kami sa deduction ang ending kami yung mabibigyan?
Hindi patas yung ginawang pagtrato sa grupo namin dyan NAPAKA WALANG KWENTANG DANCE CONTEST NA YAN. Ang grupo namin marunong lumaban ng pastas. Marunong kami sumunod sa kung ano man ang magiging rules. Pero sa pagkakataong to pakiramdam namin Tinarantado kami. Ginago kami. Masyadong minaliit yung grupo namin. Kaya NEVER NA ULIT LALAPAG sa Navotas. Masyado kaming na disrespect. Nakakasama ng loob sobra ginawa samin dyan.
Magalit na kung sino magagalit pero yung na experience namin dyan napaka pangit sobra. Sinasabi lang namin yung nangyari sa dance contest na totoo naman talaga.
Pati yang EMCEE dyan. Sa lahat ng grupo na sumayaw grabe ang paghype nyan. Nung kami na sasalang halos walang masabi. Kakatapos lang namin sumayaw nasa dance floor pa kami as in bow palang kami. Sinabi agad ETO NA!!! ETO NA!!! ETO NA!!!. Yung kasunod agad ang gusto papasukin. Kung hindi kayo naniniwala pwede po ninyo mapanood sa live😤
Si Lord na bahala sa inyo dyan. Kung ano man nangyari kagabi ipagpapasa Dios nalang namin. NEVER NA ULIT DADAYO NG NAVOTAS 😤