19/03/2025
Hindi ko alam kung hanggang saan tayo
dadalhin ng mga ngiting dala-dala natin ngayon.
Hindi ko alam kung hanggang sa dulo,
tayo pa rin ang itinakda ng panahon.
Pero, hindi ba't sinabi rin nila na
Ikaw ang pumipili ng para sa'yo.
Ikaw ang pipili kung sino
ang makakasama mo.
At ngayon na kasama na kita.
Asahan mong pipiliin kita sa araw-araw.
Susubukan kong harapin ang nakahain na
hamon para sa ating dalawa.
Kasama na riyan ang mga asaran,
lambingan sa pagitan nating dalawa.
At sana pareho tayo ng paninindigan.
Sana subukan mo rin.
Sana lumaban ka rin.